Part 26

55 0 0
                                    

[ SISY'S POV ]

Nagtakbuhan na ang iba pang photographer na nasa loob ng room para awatin ang nagwawalng si Vince. Mukhang nabitin pa ito sa pagsapok sa machong bading na HB habang pinipicturan kami.

Mabilis na pumasok sina Bricks mukhang narinig ng mga ito ang kaingayan ng paligid.

"Bakit? Teka anong nangyayari?" hinatak ni Bricks ang aking sinta palayo sa mga nangangatog na photographer. Mukhang masamang masama ang timpla nito. Tingin pa lang kasi nito, nakakatakot na talaga.

Never ko pa siyang nakitang magkaganito. As in. Bato kaya siya! Tamad mangialam sa agos ng buhay. Hindi ko pa din siya nakikipag away minsan man sa campus. Kailan pa siya natutong manapak?

"Hala Vince,bakit? Anyare? Sinong nang away sayo? " usisa ni Sweet.

"Siya nga ang nanapak eh! Bakit nga ba kasi Vince? " kumawala na si Vince kay Bricks.  Ako naman ang kumapit sa braso niya. Nilingon niya ako pero hindi ko kayang salubungin ang mata niya so si Sweet ang hinarap ko.

"Kasi naman, naiinip na yata si Vince, hindi kasi kami makatapos dito kasi lahat na lang ng pose ko mali. Lahat na lang pinapaulit kaya nabad-"

"What!?" naaasar na kumawala din si Vince saakin. Mukhang masasapak din ako nito kapag nagsalita ako. Bakit ba? Tama naman ang paliwanag ko diba? Diba yun naman talaga ang dahilan?

"Chill dude!" pagpapakalma dito ni Sweet.

"Sorry po mga kuya. Next time na lang po natin to ituloy ah?" paumanhin ni Bricks while pulling Sweet. Kanina pa naghihilaan ang mga ito ah!

"Sa tingin mo ba may next time pa yan?" bulong ng luka-luka kay Bricks.  Siniko ko naman ang bruha. "Talaga naman ah?" sabi pa nito.

Umayos na ng tayo ang aking sinta at napatulala na lang ako sa kanya. Ang gwapo gwapo talaga kahit kakatapos lang manapak.

"Hala, kailangan to ng student council! Sinong mananagot kay Robby? " bahala na si Robby mamrublema! Ang mahalaga ninanamnam ko ngayon ang moment namin ng aking sinta.

"Let's just go." inabot niya ang kamay ko at basta na lang ako hinila. At hindi ko alam ang gagawin kundi sumunod na lang sa kanya hatakhatak ang wedding gown ko. Nag iingay na naman ang puso ko habang nakatitig ako sa kamay namin.

Tumitibok ang palad ko! Waaaa!

"Hoy! Nagtatanong ako dito!" habol ni Bricks saamin pero bumalik siya para tawagin  si Sweet na nagdiretso sa video camera na dala nila  at kinuha yon.

"Wuuu! Itatanan mo lang pala ang misis mo may pag sapok effect ka pa don kay manong!"

"Oo nga! Duguan tuloy siya!" pangongonsyensya ng dalawa. Tahimik lang silang naglalakad pababang two storey building na iyon at tahimik lang si Vince at diretso sa paglalakad. Mukhang komportable din ito  sa pag i-intertwined ng kanilang mga kamay.

Sana palagi na lang siyang nakakasapak. Parapalagi siyang nakikipag holding hands sakin!

Waah! Nakakaloka lang! Pagpasensyahan niyo na ako sa mga naiisip ko, ayaw na gumana ng utak ko sa tamng wisyo . Ikaw ba naman ng itakas ng first love mo palayo sa mga tao,  with matching holding hands pa! Ni sa panaginip ko hindi ko naisip to! Tapos eto na! Nangyayari na! Grabe lang! Ang lakas ko talaga kay Lord! Ako na!

"Nginingiti ngiti mo dyan?"tinusok tusok pa ni Sweet un tagiliran ko. Ngumisi lang ako bago tinitigan ulit ang likuran ni Vince. Tapos dun naman sa kamay ko na mahigpit pa din niyang kapit.


Hayyy...

Me already na talaga!

"Wow! Diba ang Royal Couple un!?" may pagtili pang nalalaman ang isang living things sa loob ng isang salon na kahalera din ng photo shop na pinanggalingan namin kanina.

The Campus Royal Couple <3 [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon