Masama na ang pagiging sobrang bilis at sobrang lakas ng tibok ng puso niya pag si Vince ang pinag uusapan.
Kahit mahirap lang siya at walang pera ,pupusta siya na ang puso niya ay dinadaig pa ang heartbeat ng isang runner na kakatapos lang tumakbo kapag nagsasalita o tumatango lang si Vince”
Tumikhim siya at humarap dito ng mapatapat na sila sa pintuan ng lobby.
“Sige ,Vince, salamat at pasensya na sa abala ha?Ingat ka sa pag uwi”
He didn’t say a thing basta na lamang ito lumayas sa harap niya at iniwan siya na parang wala siyang sinabi dito.
“Sige Felicity , ingat ka din ha?” kausap niya sa sarili na parang tanga.
Sanay na sanay na talaga ito sa ganoong pakikitungo nito sa kanya pero ano nga bang magagawa niya?
May karaatan ba siyang magreklamo?
May karapatan ba siyang mag demmand?
WALA.
“Kahit talaga kaylan nakakatanga ka eh! Pasalamat ka at hindi nauubos ang pasensya ko sayo, pero ang pasensya ko sa sarili ko ubos na !” litanya niya habang nais na sabunutan ang sarili.
Naglakad na siya palabas ng matiwasay nang mula sa madilim na parte ng builing sa gilid ay may kotse na bumusina.
Tumigil lang ang ingay ng timingin siya dito.
Dahil nga kasi sa madilim ay hindi niya maaninaw ang kotse, bahagya siynag kinabahan.
Nagpatuloy siya sa paglakad.
“Tama ba naman kasing iwan ang kagandahan ko sa ganitong oras? Kung ito ang magiging huling araw ko sa mundo , ikaw Edward Vincent, aking sinta ,ang may kasalanan nito…”
Nagngingitngit siya sa loob loob pero kinakabahan din.
Bumusina nanaman ang kotse,binilisan niya ang lakad habang nananalangin sa Poong Maykapal.
“Ilayo po ninyo ako sa mga pangahas na nilalang sa mundo katulad ng isang ito” isip-isip niya.
Humigpit ang hawak niya sa bag ay laptop.
Pagnagkataon madadamay pa ang hiniram niyang laptop.
Muntik na siyag mapatili ng umusad ang kotse at tumapat sa kanya.
Bumaba ang nagmamaneho noon na agad nakilala niya pati ng puso niya.
Slow motion pa nga ang tingin niya sa pag ibis ng sinta niya sa Nissan GTR nito.
“Isa pa po God. Ilayo na po Ninyo ako sa lahat ng pangahas huwag lang sa gwapong ito”
“Hindi mo ba napapansin na tinatawag kita ha?” napakurap siya sa sinabi nito cause that means isasabay siya nito.
“Bakit isasabay mo ko?”biglang bulalas niya.
Ngayon lamang ito mangyayari,ngayon lang sila uuwi ng gabi na nagkasabay.
Nakita niyang bahagyang kumunot ang noo ni Vince, mukang napaisip din ito sa tinanong niya.
Maya maya’y tumitig ito sa kanya ng nakataas ang kilay.
Nagmuka nanaman itong ibang level sa harap niya.
Nag tatalon nanaman kasi nag puso niya sa gawi nito.
“Ewan ko din,kung ayaw mo,okey.”
Sabi nito sabay talikod pabalik sa kotse.
Agad naman niya itong tinakbo at hinarang.
“Sige makiki sabay ako” she smiled-the sweetest.
Umikot siya papuntang passenger seat at pumasok na sa kotse.
Nakita naman niyang sinundan siya nito,she looked at him puzzled ,nakakunot noo pa din itong umiling iling sa kanya.
Nagtataka naman siyang habol tingin.
“Bakit kaya?” then it hit her.
“Baka pagbubuksan ka niya ng pinto?Magpapaka gentleman sana ito?” pigil niya ang kilig na hinila ang buhok na pantay balikat.
Kagat kagat niya ng madiin ang pang ibabang labi.
“Stop acting insane and use the seatbelt.”napatingin siya sa mukhang never niyang pagsasawaan.N
aka upo na ita sa driver’s seat at iniistart na ang kotse.
Inayos niya ang sarili at sinunod ito.
“Yeah dream like he’ll do that”
Bitter na kausap niya sa sarili.

BINABASA MO ANG
The Campus Royal Couple <3 [ON GOING]
Teen FictionThe most noisy and nosy girl turned into a loner, to the rescue naman kaya ang kanyang sintang isa pang loner at kalahati? we'll see..ayy we'll read pala. ∩__∩v