Dahil alam na ni allyna ang lahat ay makakahinga na ako ng maluwag. Nabawasan na ang mga dagger na nakatarak sa puso ko.Sa wakas...
Pero alam naming hindi pa dito natatapos ang lahat.
Dahil bukod sa kailangan naming mag explain sa mga bata ay di pa namin napapabagsak si clerion, alam kong gaganti sya... Pero magiging handa na kami ngayon.Hindi na ako muling papasailalim pa sa mga kamay nila.
Allyna's POV
tapos na. Finally
Napangiti ako ng sobra sa pagkakarinig sa mga paliwanag niya, sabi ko na nga ba wala talaga siya sa sarili nya kaya di ako naniniwalang makakaya niyang gawin yon sa sarili nyang kaibigan. Dahil kilala ko siya at may tiwala ako sa kanya. :)
"Tara Sunny kailangan pa nating gumawa ng essay na isu-submit natin sa mga anak natin haha"
"Or should I say Novel?"
"Hahahaha" sabay kaming tumawa, hayy namiss ko 'tong bestfriend kong ito.
I need to tell others to come home also, and finally that the comeback is real...
Allysa's
"Dito kana muna mag stay, papunta na ang papa mo dito"
"What? "
Bakit pupunta si papa dito sa mansion?
"Gusto mong narinig ang paliwanag nila diba?" At umalis na muna siya at nag paalam kay manang na aalis lang siya at may susunduin
San kaya yun pupunta?
Yeah muntik ng mawala sa loob ko na kailangan ko pa palang ihanda ang sarili ko sa mga revelations na malalaman ko mamaya, hoooo!!!
*ding dong~!*
"Ako na po! Baka si papa na yun"
Dali dali akong pumunta sa pintuan at pinagbuksan ito , excited na babati kay papa...
Pero di si papa yon.
"Ah-ah hello po? Sino po sila?" Tanong ko kasi diba baka mga kasabwat sila ng men in black mabuti ng nag iingat
Pero may mga babae akong nakita sa likod ng mga parang body guards na may hawak na mga maleta
"Ummm excuse me young lady, I can't be mistaken because this is the house of my friend allyna?, you must be new hear huh?"
Ayy kaibigan daw ni mama? Ahhh
Dalawa silang babae doon, magagandang babae to be exact mga kasing age lang din sila ni mama kaya mga kaibigan niya nga sila."Ayy sorry po!" Napayuko ko pang sabi habang humihingi ng pasensya
"It's okay hija, hm? You really look like your mom honey 😊"
"Yeah she is, your father really did a great job in raising you, I can't wait to see them"
Medyo nahiya ako sa mga sinasabi nila kahit na medyo nakakalito lang hehe
"Syempre ako pa! Sobrang gwapo ko kase!"
Si papa
"Papa!" Tumakbo ako sakanya at yumakap, ewan ko namiss ko sya bigla haha
"Ayy ang bigat ng baby ko"
"Hoy! Sebastian gumwapo ka nga lalo ahh~ yumabang lalo"
"Oo nga ang hangin tuloy! Hype ka talaga baste pano mo napalaki tong batang to galing mo ah!"
"Ako pa! Hahaha"
"Yabang!"
At nag asaran lang sila dun, okay maalala ko nasa labas parin pala kami
BINABASA MO ANG
Once in a Pink Moon❤
Teen FictionFriendship... Family... Love... the sure thing about this story? something that you can't imagine. ------------ Thanks to Solyn Ziflo's Bookcover Shop <3 hihi @ryuchicken