26. Back to normal

9 1 0
                                    

Sheyt! Parang ang sakit ng katawan ko ngayon ahh. Well ikaw ba namang makaranas ng mga unexpected happenings buong weekend eh. Hays nakakapagod pero worth it. Nakakapagod pero masaya.

Everything is back to normal, ika nga nila...

Ang mga tita ko pati si mama at si papa... Maraming nangyare sa dalawang araw na yon, mga pangyayaring tuluyang nag pabago sa buhay nila, pagbabago in a better way. 😊

Everything is back to normal na nga eh, except sa hanggang ngayong nagpapalpitate na puso ko... Aissshh kasalanan to nung hinayupak na jungkook na yon eh arghh! Naiinis talaga ako sakanya, he's never tired in making fun of me.

Hayyy nakaligo na nga lang at makakain ng makapasok na at madagukan yung hayup! Nayun.

Bumaba na ako ng matapos akong maligo, btw dito na nga pala kami titira na sa mansion nila mama, well sa mga lolo at lola ko naman daw talaga itong mansion eh di naman daw sakanila, saka sabi ni mama na di-hamak na mas malaki pa daw dito ang bahay nila papa, nagulat nga ako eh, kasi diba nga we're dukha pero di naman pala talaga.

After kasi matapos ang araw kahapon ayy sinabi na sakin lahat nila papa at mama, lahat ng dapat kong malaman sinabi na nila. And napag alaman kong mas gusto pala nila akong lumaki at makagisnan ang isang simpleng pamumuhay lamang, ayaw nilang lumaki akong umaasa lang sa yaman ng mga magulang nito, kaya naisipan nilang tumira nalang sa mas maliit na bahay at magpanggap na mahirap para pag laki ko raw ay mag sumikap akong mag karoon ng isang magandang buhay balang araw.

Pero syempre sinabi din nilang hindi naman nila ito itatago saakin habambuhay dahil alam namana nilang walang sikretong hindi nabubunyag, kaya ang napag usapan nila ni papa ay sasabihin daw nila saakin ang lahat pagdating ko sa tamang edad, pag nag 18 na ako , pero eto alam ko na at sad to say di pa ako 18 nang malaman ko ito, hahaha nakakatawa mang isipin na ganoon pala kagaling mag isip ng mga magulang ko, napaka unrealistic at masasabi ko ng sila na ang kokoronahanan bilang best  actor and actres of the year! Sabog confetti!*

Hahahah tapos talagang pinaniwala nila akong driver nga si papa ng truck, taga-deliver. Nakakatawa pero pinangangalagaan pala nito ang naiwang kompanya ng mga magulang nila, yeah 'nila' dalawang company ang minamanage ni papa, ang galing no kahit ako man di ako makapaniwalang ganoon pala ang mga ginagawa ni papa, graveh lang

Pag uuwi kase si papa talgang simpleng t-shirt lang ang suot at pantalon, akalain mo nga naman tuxedo pala ang attire niya all this time... Nakakamangha pa kasi kahit na mayaman sila , kami ay hindi nila inisip na mag pasarap lang sa buhay. Tinuruan nila akong mag sumikap at abutin ang mga pangarap ko sa sarili kong pagsisikap.

Nakaka-proud mag karoon ng parents na katulad nila...

Hayy malelate nako makapasok na nga.

*riiiiiingggg

Ayan na nga late na nga!

Shiz!

Takbo takbo takbo Seb, buti nalang pala pinahatid nako ni mama kay kuya craig, nakuuuu ampogi non, body guard daw yun ng pamilya.

Huy! Tama na sa pag de-day dream late kana nako malilintikan ka na sa teacher mo!

Nakarating ako sa room at napa 'thankyou lord' nalang ako ng makitang wala pa teacher namin...whoooo!

Ang gulo ng klase namin, yung totoo? Classroom ba'to o ano?

Iginala ko yung paningin ko ng mapansing wala ang mga bruha kong kaibigan, at kamalas malasan ay si jungkook pa talaga ang nasilayan netong magaganda kong mga mata! Aisssh! Kainis naalala ko nanaman tuloy yung ginawa nyang hype siya!

Di na ata ako makaka move on neto. Tsk!

-Pahapyaw na flashback-

"Stay"
Whut the!?

Once in a Pink Moon❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon