CHAPTER 5 - RANIER CRUZ

213 4 0
                                    

CHAPTER 5     - RANIER CRUZ

JENNY POV:

          Malapit ng matapos ang taong 2014 dahil, December na kasi ngayon at marami ng mga tao ang abala… ngunit nasa isipan ko pa din kung ano nga ba ang pangalan nya… nakakaasar kasi… hanggang ngayon… hindi ko pa rin sya kilala. Kaya naman… naisip kong hanapin sa mga gamit ko ang listahan ko nung nasa highschool pa kami. At ang saya dahil… nandun pa rin sya sa gamit ko. Iniisa-isa ko ang mga pangalan at ini-imagine ko yung mga mukha nila kung natatandaan ko pa ba sila. Pero… Iilan lang ang naaalala ko… kaya naman…. Naisipan kong hanapin ang pangalan nya sa pamamagitan ng facebook habang iniisa-isa kong itinatype ang mga pangalan na meron sa listahan ko.

          Search… Search… Search… BOOOOM!!!!!

          Ranier Cruz pala sya!!!

Grabe ah… yung grade na nakalagay sa test paper namin noon na nasa listahang hawak ko ngayon ay… 68 lang yung grade nya. Hindi pala sya masipag mag-aral noon… Pero infairness ngayon ah… Matalino na sya at magaling mag-english. Talo ako sa talino nya… nanliliit tuloy ako sa sarili ko. Parang baliktad kami ngayon… Kung siya, tamad mag-aral noon at masipag na ngayong mag-aral. Ako naman… masipag mag-aaral noon pero ngayon, tamad na akong mag-aral. Talagang opposite kami… nakakahiya naman…

Ah… I-add ko nga sya sa FB… para lalo ko pa syang makilala.

RANIER POV:

          Uy! In-add pala nya ako sa FB. Wooohhhh! Ang saya naman…! Jenny Fernandez pala ang buong pangalan nya. Oo nga pla! Hindi ko nga pala naitanong  sa kanya yung name nya. Ma-accept nga. Hmmnn… Masilip nga ang mga photos nya. Wow… ang cute pa rin nya. Ma-like nga at mai-download. Para naman… may picture ako sa kanya itto sa cellphone ko. Haha…  Namimiss ko na kasi sya eh… Kung sa bagay… tagal na rin namang kami hindi nagkikita dahil sa new schedule at matagal na rin nya akong hindi pinapansin eh.

**************************************************

My old classmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon