CHAPTER 20 -TEDDY BEAR

167 2 0
                                    

 

 

CHAPTER 20     -TEDDY BEAR

JENNY VOICE:

 

“Kahit Masakit, Pinipilit Kitang Kalimutan…

Kahit Masakit, Pinipilit Kong Wag Umiyak…

Kahit Masakit, Pinipilit kong Wag Magtiis…

Pero, Kahit Anong Gawin Ko…

Ikaw Pa Rin Ang Mahal Ko Eh…

Kahit Masakit!”

“Kahit Ilang Beses Pa Akong Masaktan DAhil Sa’yo,

Di Kita Iiwan, Di Ako Susuko.

Dahil Kung May 100 Dahilan Para Iwan Ka,

Hahanap Pa Rin Ako Ng Isang Dahilan Para…

Ipaglaban Ka!”

          Yan ang lagi kong sinasabi sa tuwing maaalala ko si Ranier. 4 years na ang nakakalipas pero siya pa din ang laman nitong isip ko. Umaasa pa din ako dahil sa mga ala-ala na kasama ko pa siya noon. Haaayyyy…. Ang hirap kasi na mawala siya sa isip at puso ko eh. Ganito na talaga ako ka-addict sa kaniya? Hay naku! Heto, isa na akong professional teacher sa wakas! Akalain nyo… magiging teacher nap ala talaga ako. Si RAnier… ayun! Nasa California may trabaho na siya doon. Nasa Government Office siya nagtratrabaho. Haaaayyy… kapag nakikita ko parati sa FB na may new girlfriend siya… Ewan ko ba kung bakit super sakit nun sa akin. Pero gaya nga ng parati kong sinasabi… “Kahit Masakit, Pinipilit Kitang Kalimutan…Kahit Masakit, Pinipilit Kong Wag Umiyak…Kahit Masakit, Pinipilit kong Wag Magtiis…Pero, Kahit Anong Gawin Ko…Ikaw Pa Rin Ang Mahal Ko Eh… Kahit Masakit!”

        Oo! Baliw na baliw pa din ako sa kaniya. Umaasa na magiging kami sa takdang panahon. Kaya ang lagi kong sinasabi sa sarili ko… “Kahit Ilang Beses Pa Akong Masaktan DAhil Sa’yo, Di Kita Iiwan, Di Ako Susuko. Dahil Kung May 100 Dahilan Para Iwan Ka, Hahanap Pa Rin Ako Ng Isang Dahilan Para… Ipaglaban Ka!” Oh see? Baliw ako sa kaniya? Ewan ko ba… kahit wala ng pag-asa, siya pa din ang ipinaglalaban ng puso ko.

          “Hoooyyyy!!! Teacher Jenny!!!! Tulala ka na naman dyan sa Laptop mo! May bagong girlfriend na naman siya noh?” sabi ni Eliza na nasa bahay ko na kasama din sina Althea at Jasmine.

          “Ah… Oo! May bagong girlfriend na ulit siya.”

        “Umaasa ka pa din? Di mo ba napapansin na may girlfriend na siya? Pinahihirapan mo ang sarili mo eh. Ang daming nanliligaw sa iyo pero hindi mo sila pinapansin. Kailan ka kaya magkakaroon ng boyfriend nyan kukng si Ranier pa din ang nasa puso’t-isipan mo?”

        “Ewan ko, Eliza! Ang hirap-hirap alisin siya eh.”

        “Madali lang alisin yan!”

        “Paano?”

        “Dapat… alisin ang lahat ng may connection sa Ranier Cruz na iyan! Kaya dapat… lahat ng gamit na magpapaalala sa iyo tungkol sa kaniya ay dapat mo nang alisin para makapag-move-on ka na!”

My old classmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon