CHAPTER 22 -REVELATION

179 2 0
                                    

CHAPTER 22    -REVELATION

 

JENNY VOICE:

          “Sino ba ito? Nakakainis ah… Pinagbabantaan nya ako. Siguro siya yung girlfriend ni Ranier. Tingnan nyo yung mga text niya sa akin.” Sabi ko kay althea, eliza at Jasmine.

          “Oo nga noh… Ang sama! Tinatakot ka pa niya.” Sabi ni Althea.

          “Grabe naman! Siguro nagbreak sila kaya galit na galit siya sa iyo at sabi pa niya, sisirain nya ang buhay mo… grabe ah!”

        “Oo nga! Grabe sya! Teka, paano nya nakuha ang cellphone number mo?” sabi ni Eliza.

          “Ay, Ewan ko! Basta! Naiinis ako sa kaniya! Masama na nga ang loob k okay Ranier, dinadagdagan pa niya! Kakainis!”

        “Siguro nga! Galit nag alit siya sa pagbrebreak nila. Grabe! Pwede mo yan ipakulong! Pinagbabantaan ka niya eh… Labag yan sa batas! Nasa Article III yan ng Bill of Rights sa Section 4 na nagsasabi:”No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances.” Alam mo ba yung pangalan niya? Ipakulong na natin yan!” sabi ni Althea.

          “Eh… hindi ko alam ang pangalan niya eh… kasi sa Facebook ang ginamit nyang pangalan ay user name lang.”

        Yun lang… Bsata! Kapag may nangyari sa iyo… alam na! Siya ang may kakagawan nyan!” sabi ni Jasmine.

          “Ah… O sige! Basta magtetext na lang ako o tatawag kung may mangyari man sa akin. Salamat!”

          “O sige! Hatid na kita sa sakayan ng Jeep.” Sabi ni Eliza.

          “Sige! Salamat! Kita-kits na lang next week, Jasmine at Atlhea!” At kumaway na ako.

          Nasa loob na ako ng Jeep ng may nareceive akong text message.

*TOTOOT-TOTOOT*

 

FROM: Ranier

Jenny, pwede bang magkita tayo sa park? Please…

May sasabihin lang ako sa iyo… importante lang.

          Himala! Nagawa niya akong itext ngayon. May sasabihin daw? Hmmp! Aasa na naman ako… Hindi na ako maniniwala sa kaniya!

TO: Ranier

Kung importante yan… Bakit hindi mo itext sa akin ngayon?

Dito mo na lang sabihin… Bakit kailangan pa akong pumunta?

Masasayang lang ang oras ko sa iyo! Itext mo na lang!

Ayaw ko pumunta!

My old classmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon