CHAPTER 12 -SHOCKING!!!

171 4 0
                                    

CHAPTER 12     -SHOCKING!!!


JENNY VOICE:


          Nandito kami sa Rosal Building. Pinag-uusapan namin ni Eliza si Ranier at yung Ex-boyfriend nyang si Kev Yong.


          “Aaaayyyiiieee… Namimiss na nya si Kev yong…” Pang-aasar ko kay Eliza.



          “Oo nga eh… Kaso, may girlfriend na siya at maganda naman yung girlfriend nya pero mas bata pa yung girl sa kaniya.”

        “Uuuuyyyy…. Nagseselos…. May feeling pa din sya… siguro… iniisip mo… ‘babalik ka din sa akin’. Tapos nagbreak nga sila at bumalik ulit siya sa iyo at tinanggap mo ulit siya. Ayyyiiieee…” nakangiti ko pang sabi habang naka-akbay ako sa balikat nya habang umaakyat kami ng hagdan.


          “Hay naku… ikaw nga, iniisip mo na maging kayo ni Ranier eh noh… Aaayyiiieeee…. Ikaw ha…” Ganti nito sa akin.


          “As is naman… Malabong mangyari yun… hindi naman niya ako gusto eh… kung gusto nya ako… maaaring maging kami. Pero hanggang pangarap na lang yun…”


          “Hahaha… talagang crush mo siya noh? Sa bagay… wala namang masamang mangarap. Libre lang yun eh…”


        “Taaamaaaa…”


        “Jenny, tingin ka sa likod natin, dali…” Bulong ni Eliza sa akin.


          “Ah… Bakit???”


        “Basta! Tingnan mo…!”


          Paglingon ko sa likod ko… OH MY!!!!! I was shock of what I have seen… It was Ranier Cruz! I didn’t expect that he is the one at my back. Because of that… nag-smile na lang ako at dumiretso na lang kaagad sa classroom habang hatak-hatak ko si Eliza.


          “Eliza, sa tingin mo… narinig ni Ranier yung lahat ng pinag-uusapan natin?”


        “Oo yata! Kasi ang lakas ng boses natin eh.”

My old classmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon