CHAPTER 15 - EMBARRASSING MOMENT
JENNY VOICE:
Naglalakad kami ni eliza papunta sa school, galing kasi kami sa computer shop. Habang nagkwekwento si Eliza sa akin, may nakita akong pamilyar na mukhang papalapit sa direksyon namin. At ng humarap ito sa akin ay medyo nagulat ako ng Makita ko kung sino iyon. Wala ng iba pa kundi si Ranier Cruz na kasama ang kaniyang kaklase.
Grabe! Nagulat naman ako sa ginawa nya… kinindatan nya kasi ako eh… feeling ko tuloy, ang gwapo-gwapo nyang talaga. Sa pagkakagulat ko, itinaas ko na lamang ang kilay ko. Nahihiya kasi akong magsalita dahil nung oras na iyon ay nagkwekwento sa akin si Eliza. Hindi ko na nga napapansin kung ano ang ikinukwento niya sa akin dahil parang nabingi ako nung Makita ko si Ranier Cruz… my first love… ha??? First love talaga ah… haha... Puppy love lang… bata pa ako, noh… hahaha… Maya-maya ay nagsalita siya…
“Hindi ka na namamansin ah!!!” pasigaw nyang sabi dahil medyo malayo-layo na siya.
“Ah..?! Hindi ah… pinansin kaya kita… Hindi mo lang siguro napansin…” sigaw ko din sa kanya.
Tapos ay ngumiti na lang sya sa akin at nagpatuloy na naglalakad.
“Bakit? Ano bang nangyari?” Tanong ni Eliza sa akin at itinigil ang pagkwekwento.
“Ah… Kasi nga… nung papalapit sya sa atin, kinindatan nya ako… eh ang ginawa ko ay itinaas ko yung kilay ko kaya, malamang hindi nya nakita yun kasi sabay kaming nagreact to say “hi” by the used of our faces. Kaya akala nya… hindi ko sya pinansin.”
“Kaya naman pala eh… Aaayyyiieeee… Buti ka pa! Nakita mo ang Ranier Cruz mo! Pero ako, ni hindi ko man lang nakikita ang Kev Yong ko.” Malungkot niyang sabi.
“Hahaha… aaayyyyiiieee…. Name-miss nya… Teka! Ayun si Kev Yong mo oh….!” Sabay turo ko sa kanang direksyon habang natatawa ako.
Palinga-linga si Eliza sa kanang direksyon na itinuro ko at nasabi nya sa akin: “Ay! Nakakainis ka Jenny ah… Pinagloloko mo ako ah… Mamaya, makakapuntos ka na sa akin…!” Inis nyang pagkakasabi.
“Ikaw naman… din a mabiro… meron ka ba teh??? Init ng ulo mo eh… hahaha… peace!” na-naka-peace sign pa ako…
BINABASA MO ANG
My old classmate
Teen FictionMeet Jenny Fernandez, She is a College student that has a first time to be fall in love to a guy named Ranier Cruz. Ranier Cruz is the one of her old classmate in High School. Let us know if they will be together in the end. Hope, you will enjoy rea...