CHAPTER 21 -HE'S BACK

224 2 0
                                    

CHAPTER 21     -HE’S BACK

 

JENNY VOICE:

          “Uy! I have a text message. Kanino kaya? Hmmnnn… Si Althea pala! Ang sabi…”

FROM: Althea

Guyz! Punta tayo sa SM. Let’s have a reunion! Tayong apat lang ulit. 2:00 p.m. tayo magkikita-kita. Doon pa din sa dating tagpuan. Kahit ngayon lang… Minsan na lang tayo nagbabonding sa SM eh. Sige na please…

          “Ah! Ok! Tamang-tama ito! Na-i-stress na ako sa mga students at paggawa ng lesson plan. Buti na lang at magaling tumaiming itong si Althea kahit kailan. Kaya, magpapaka-enjoy muna ako for a while. Mareplyan nga!”

TO: Althea

Deal!!! Ang galing mo talaga tumaiming! Tamang-tama! Medyo na-i-stress na ako! Kaya need ko talaga ang konting pahinga. Salamat! Kita-kits na lang tayo doon.

SEND

FROM: Althea

Good! Kompleto tayo ngayon! Nagkakasundo talaga tayo! Don’t be late ha… May dala akong camera kaya picture-picture ulit tayo! Yahooooo!!!! Take care and kita-kits mamaya! Muwaah!

          Nasa Sm na kaming apat. Syempre, bago maglibot-libot sa SM… ang favorite na tambayan ay ang FoodCourt. Nagpipicture-picture, nag-e-exchange gift kami at nagkwento-kwentuhan doon sa FoodCourt. At tsaka kumain din kami.

          “Oh! Bakit parang natahimik ka bigla, Jenny?” sabi sa akin ni Jasmine.

          “Eh… kasi… naalala ko ang nangyari dito noon sa pwesto natin eh…”

          “Ah! Yung nakita ka naming na kasama mo dito si Ranier?? (Remember?? Nasa Chapter 8 po yun.) ” sabi ni Althea.

          “Oo! Tama ka… Nare-refresh kasi sa isip ko yung nangyari, eh.”

        “Ganun ba… O sige na mga friends… Umalis na tayo dito sa foodcourt! Maglibot-libot na lang tayo… nagiging emo na naman si Jenny kapag naalala si Ranier.” Sabi ni Eliza.

          “Oh sige! Tara na! Kalimutan mo muna yan, Jenny! Nandito tayo sa SM para magbonding tayo, hindi ang alalahanin mo ang moment ninyo ni Mr.Friday! Ikaw talaga oh!” sabi ni Jasmine.

          “O sige na nga! Tara na!”

          Nasa Department Store kami ngayon, nagpi-picture-picture kami at nagshopping doon. Bumili ng new shoes, new dress, accessories at kung ano-ano pa. Maya-maya ay may napansin si Jasmine.

My old classmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon