LUBID

3.8K 28 5
                                    

Minsan tayong naglaro ng hilaang tali, Pero bakit ganon? Habang gusto kong manalo ay unti-unting humahapdi, ang mga kamay kong pilit na kumakapit.

Gusto kong mapalapit ka sakin pero bakit ganon kasakit ang ilapit ka papunta sakin?
Tila ba ang lubid na nasa pagitan natin ay ayaw pumanig sakin.
Nakikita kitang masaya, Pero lungkot ang epekto nito sakin.
Ganito ba talaga ang magmahal?
Kailangan ba talagang masaktan?
Naiisip kong paano kung bumitaw nalang kaya ako?
Pero teka, hindi ko ata kaya.
Madaling sabihin ang salitang bitaw,
Pero paulit-ulit na sakit sa dibdib ang dulot nito sakin.
Akala ko nung una, ang larong hilaang tali ay pandalawahan lang, ikaw at ako.
"TAYO"
Pero mali, mali pala ako.
Ngayon ay may panibagong pagsubok,
Dahil may taong pilit na ini-iba ang tibok ng iyong puso.
Mahal, Pagod na ang mga kamay ko.
Nanginginig na ang aking mga tuhod, nariyan ka pa ba para ako'y muling ibangon?
Sinubukan kong muling hawakan, Ang lubid na dahilan ng aking paghihirap.
Bumangon at matatag na lumaban kahit na mahirap.
Pero eto nanaman ang sakit, na dahilan ng aking pamamanhid.
Ito na ba? Ito na ba ang oras para bumitaw? dahil Mahal, hindi na kita matanaw.
Ngayon ay dahan dahan kong bibitawan ang lubid, na sakit at pagdurusa lamang ang dala sakin.
Tila ba nakahinga ako ng maluwag,
Wala na ang sakit, pero ako'y namamanhid.
Tinanaw ko ang kabilang dulo ng lubid, ngunit wala kana.
At sa huli ay muli kitang natanaw, pero iba na ang iyong kapiling.
Napag-isip isip ko na tama pala ako,
Tama na mas pinili ko na ang bumitaw kaysa ang kumapit pa.
Dahil alam kong wala na ang lubid, na pilit ko paring kinapitan kahit matagal mo na palang binitawan.

SPOKEN WORDS POETRY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon