IKAW AT AKO

1.1K 16 2
                                    

Ala-ala ko saiyo

Hinding hindi ko malilimutan

Sa araw araw kong kasama

Sa kasama ko sa kalokohan

Siguro hindi mo na ito maalala

Pero sana naalala mo parin

Dahil kahit kaibigan lang tayo

Mahal kita higit parin

Mahalata mo man o hindi wala akong pakailam

Dahil ito'y lahat nasa ala ala ko na lamang

Naalala mo pa ba yung sabay pa tayo umuwi dahil gusto lang natin?

Siguro hindi na

Dahil may pumalit na saakin

Kahit sobrang sakit na, pilit parin pumasok sa araw araw

Ang malubhang karamdaman

Ang sakit saaking dibdiban

Siya na yung katawanan mo

Hindi ako

Siya na kasama mo pa lagi

Hindi ako

Ano ba nangyari sating dalawa?

Bakit biglaan nalang ika'y na wala?

Dahil bang masyadong korni biro ko?

O dahil sawa ka na makita mukha ko

Ang sakit dahil hanggang tingin nalang tayong dalawa

Ang sakit dahil hanggang kamusta nalang tayo, diba?

Wala ng birong walang kwenta

Wala ng asaran na nakakapikon

Ako nalang ba nakaka alala nito?

O di ba pareho lang tayo?

Gusto mo bang bumalik sa dati nating tayo?

O masaya ka na sa posisyon mo ngayon?

Hayaan na kita,

Salamat kaibigan

Salamat na nadyan ka DATI saakin

Salamat sa mga panahon na mag kasama pa tayo

Salamat talaga na ikaw lang nandyan para saakin NOON

Siguro di talaga maiiwasan

Matago lamang sa ALA ALA

Ang ating masasayang pag sasama

-Kia Taro

SPOKEN WORDS POETRY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon