IBON

1.4K 14 2
                                    

Madalas iniisip ko na gusto ko na lang maging ibon
Dahil hindi ko na talaga maintindihan
Ang bigat ng trapiko na meron tayo araw-araw.
Yung tipong gigising ka nang alas kwatro ng umaga
Hindi para mag-aral
Kung hindi para ayusin ang sarili sa hamon ng unahan at pag-aantay.
Yung tipong hindi pa tuluyang nakakaikot ang Jeep pero nag-uunahan na ang mga pasahero
Para makasakay hindi wari kung babae o matanda ang kasabay
Pare-pareho tayo dito na gusto ng makasakay at makapasok
Na hindi alintana ang busina ng ibang sasakyan makasakay lang.
Ang pag-aantay ng isa o dalawang oras o baka mahigit pa
Bago makarating sa destinasyon.
Kung saan kailangan mong magtiis
Sa sikip dahil sa katabi mong sugapa sa upaan
Sa init dahil parang siya lang ang nagbayad ng pamasahe
Sa inip ng trapiko
Sa inis dahil absent ka na naman at bokya ka na naman sa pagsusulit.
Ano na ba kasi ang meron
At bakit hinihiling ko na lang na maging ibon?
Hindi ko na kasi maintindihan
Kung bakit mas mahirap sumakay at mas sobrang traffic pag umuulan?
Kung bakit may mga bwiset na mga drayber
Na laging nagpuputol ng byahe?
Kung bakit pinipilit isiksik ang pasahero kung wala na rin naman talaga?
Kung bakit nagagalit sila pag sinabi mong "Bayad po. Estudyante"
Kung bakit hindi sila marunong sumingil ng tama?
Kung bakit ang daming sasakyan pero ang liliit ng daan?
Kung bakit sa byahe ka na lang natutulog imbis na sa bahay?
Yung tipong pagkauwi mo ng bahay
Imbis na kumain at magpahinga
Ay itutulog mo na lang ang pagod
Na naipon mo sa buong araw.
Paano ba maging ibon?
Ano kaya pakiramdam na maging ibon?
Lilipad sa himpapawid na walang traffic
At makakapunta ka kahit saan mo gusto ng malaya
Walang pamasahe
Walang estudyante
Walang siksikan.
Lipad lang ng lipad
Hanggang mapuntahan mo ang gusto mo.
Pero naisip ko lang
Na hindi ko na pala kailangan maging ibon para mapunta sa ere
Kasi....
Oo nga pala.....
Doon mo ako iniwan....

SPOKEN WORDS POETRY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon