SA IBA KA ITINADHANA

463 9 0
                                    

Ikaw na walang ako,
Ako na merong ikaw,
Siya na merong kayo,
Tayo na walang "tayo"
Pinaglapit ng tadhana, pinaglayo rin pagkatapos,
Hindi kana sana nakilala pa kung sa sakit din matatapos,
Bakit dumaan ka pa sakin gayong sa kanya ka tutungo?
Pumasok ka sa buhay ko at sinaktan moko ng lubos,
Bakit kapa nakilala kung sa kanya ka itinadhana,
Pinagtagpo lang tayo pero hindi nakatadhana,
Ito ba talaga ang papel ng tadhana?
Ang paglapitin ang dalawang taong kailanman ay hindi itinakda?
Wala palang kwenta ang tadhana,
Kung sakit at sugat lang ang mapapala,
Sa mga taong ibinibigay niya,
Na lumilisan din at nawawala,
Ikaw na walang ako,
Ako na merong ikaw,
Siya na merong kayo...
Umaasa parin ako,
Na sa dulo ay magiging tayo.

SPOKEN WORDS POETRY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon