LARO

1.2K 15 5
                                    

Simula nung bata ako
Mahilig na akong maglaro
Nanay, tatay at tagu taguan
Langit, lupa at tayatayaan
Hanggang sa paglaki ko
Mga alaala ng kahapon ay dala ko
Matatamis na ngiti
Na hinding hindi na pala mauulit muli
Dahil nakilala kita -
Kung sa simpleng laro ng "Nanay, tatay" noon
Nasasabi ko ang mga katagang
"Lahat ng gusto ko ay susundin nyo"
Ngayon ay hindi ko na muling mabanggit
Dahil alam kong kapag ikaw ang aking hiniling
Ay hinding hindi ka mapapasakin
Kung dati "ang magkamali ay pipingutin ko"
Ngayon ay ang magkamali ay kakalimutan ko
Dahil hindi lang pala pingot ang katumbas ng isang mali
Kung dati ay eksperto ako sa pagtatago sa tagu taguan
Aba'y sinong mag aakala
Ito'y magagamit sa aking pagtanda
Dahil sa galing magtago ng nadarama
Isa pang laro - langit lupa, im-im impyerno
Literal na impyerno ang nadarama
Kapag wala ka sa aking tabi
Totoong saksak puso, tulo ang dugo
Dahil masakit makitang masaya ka sa iba
At ngayon sa huli
Taya tayaan naman ang iyong pinili
Ako ang taya na naghahabol sayo
Kahit pilit kang tumatakbo palayo
Ngunit sa pagkakataong ito
Ayoko nang maglaro
Ayoko nang magtago
Ayoko nang maghabol
Dahil sa pagkakataong ito
Pagod na ko, pagod na pagod
Kaya mahal, hanggang sa susunod na laro.
Paalam

SPOKEN WORDS POETRY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon