UMASA AKO

2.7K 11 0
                                    

Mahal, umasa ako noong sinabi mong mahal mo rin ako.
Umasa ako ng bakasakaling magkaroon ng "TAYO".
Umasa ako sa mga matamis na mga salitang binitawan mo.
Mahal....umasa ako.

Kailan ko kaya masasabi sa sarili na tama na?
Na ang lahat ng ito ay panandalian lamang?
Kailan kaya papasok sa isipan ka na, malabong magkaroon ng tayo?
Dahil sa umpisa pa lang wala naman talagang tayo.

Mahal, nakakapagod nga pala talaga.
Na umibig ng mag isa.
Nakakapagod nga pala talaga.
Na mahalin ka habang ako'y iniwan mo na.

Patawad kung minahal kuta ng sobra.
Ramdam kong nasasakal ka at ayaw mo na.
Kaya ngayon pinapagbigyan na kita.....pinapalaya na  kita.

Bibitaw na ako dahil pagod na ako.
Pagod ng masaktan ang puso ko.
Pagod ng umiyak ang mata ko.
At pagod nadin ang isip ko sa kakaisip sa'yo.

Siguro nga mahal, oras na
Oras na para sabihin kong "tama na"
Tapos na makipag laro saatin ang tadhana.
At napag tanto kong hindi nga para saatin ang mga pana.

Sana lagi mong tandaan na mahal kita.
Handa ko itong gawin dahil saakin ay di ka na masaya.
Ang tanging hiling ko lang ay sana huwag ka na ulit niyang saktan.
At matatamis na ngiti sa iyong mukha ay kaniyang lagyan.

Pero huwag kang mag alala.
Dahil tanggap ko na.
Tanggap ko na...na hindi tayo para sa isa't isa.
At ang gusto ko lang ay maging masaya ka.
Kahit sa piling man ito ng
------------------------------------------------------------
A/N:
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
I'm fine :)















:(

SPOKEN WORDS POETRY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon