LITRATO

1K 11 10
                                    

Tinitingnan ko ang mga litrato nating dalawa.
Malinaw man o malabo ito'y napakaganda.
Mga alaala na pareho tayong masaya.
Mga litrato na nakangiti tayong dalawa.
Ngunit kailangan ko ng magbura.
Pero hindi ibig sabihing kakalimutan na kita.
Ililipat ko na ito.
Ililipat ko sa isang lugar na hindi ko makakalimutan ang mga alaalang ating binuo.
Dito sa puso ko.
Dahil naging mahalagang parte ka ng buhay ko.
Ikaw ang naging kapayapaan ko sa gitna ng kaguluhan sa mundo.
Ikaw ang pinakamalinaw na nakita ko sa napakalabong mundo.
Salamat sa mga litrato na kasama kita.
Masaya na ako kahit naiwan akong mag-isa.
Iniwan mo man ako sa ating mga litrato.
Mananatili ka naman sa aking puso. 💔

SPOKEN WORDS POETRY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon