Veinticinco

344 13 3
                                    

Aine's

"Aray ang sakit ng ulo ko" napahawak naman ako sa ulo ko na ngayon ay parang binibiyak sa sakit.



Wait di naman ako umiinom diba bakit ganito ka sakit ang ulo ko.



Ano bang nangyari sa akin.



Pinilit ko naman na alalahin ang mga nangyari sa akin.



Library..kalsada..jeep.... jeep tapos



Ano nga ba ang nangyari pagkatapos noon?



Pinilit ko parin na alalahin pero bigla lamang kumirot ang aking sentido kaya tumigil narin ako.



Huhu ayaw ko pa kayang magka brain tumor.



Naupo nalang ako sa kama na ngayon ko lang na feel na sobrang lambot pala. Wiee parang marshmallow lang hihi. ^0^



Nag eenjoy pa ako kakatalon sa kama ng may nakita ako sa bandang dulo ng kwarto na nagpa ningning sa aking mga mata.



Tan~tananan~



Refrigerator~



Imaginin ninyo na parang may mga anghel na nag kakantahan sa tabi ng ref tapos may light sa paligid nito na parang may gravitational force na naging dahilan para ako'y mapalapit dito.



Nagmadali akong bumaba sa kama at parang batang nagtatakbo papunta sa ref.
Dahan dahan with full emotion ko itong binuksan. Slow motion pa yan ha with singing angels pa.



Sobrang nag ningning pa ang mga mata ko as in literal na nagkaroon ng glitters ito ng makita ko ang loob ng ref na iyon.



Pizza, chocolates, ice cream, marshmallow, cakes.. HEAVEN!



"Wah ang daming pagkain" tili ko naman sabay kuha ng isang box na pizza.



Kumuha narin ako ng isang slice ng cake at coke in a can tsaka dinala ko ito sa mini table na malapit sa kama kung saan ako nagtata talon kanina. 



Inilapag ko na ang mga pagkain sabay upo sa sahig, di naman madumi at maginaw ang sahig dahil carpeted ito ibig sabihin mayaman ata ang may ari ng kwartong ito. At kung tatanungin niyo ako kung di ba ako nababahala sa aking kaligtasan o di ba ako magpa plano paano lumabas well ang sagot ko diyan ay hindi, bahala ng makulong dito basta ba may pagkain ay ok lang ano haha. 

Dyosa Ako PERIOD No Erase (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon