Characters

1.4K 37 2
                                    

Shai_raaa

Aine Rysel Reyes

Makulit, Kalog at may pagka turtle net sa pagka slow. Ulila ngunit masaya. Estudyante sa umaga parlorista sa gabi. Mabait siya mabait na mabait. Mahangin ay este mafeeling lang pala. Feel na feel niya kuno ang kadyosahan niya *ehem* (Aine: Huy otor bakit parang labag sa loob mong sabihing dyosa ako ha hmmp) (AN: Tahimik gusto mo gawin kitang palaka) (Aine: Haha jowk lang otor sige bye sulat na diyan) (AN: good alis na chupi) Hays so continue na, may dalawa din siyang kalog na beshiess at ito ang kasangga niya sa lahat ng problema.

Nisha Cymin Fuerte

Ito yung beshies ni Aine na may pagka weirdo. Mahilig sa pangongolekta ng bato, maliit malaki at kahit anong kulay basta bato kukunin niya yan. May powers ata itong babaeng 'to dahil palaging nag teteleport. Weirdo man siya ngunit nasa loob ang kulit niya.

Lynnie Rave Bayers

Maingay, madaldal, kalog at baliw. Mayaman itong babaeng ito ngunit di mo talaga makikita sa kung papano siya gumalaw, medyo boyish pero madaming crush sa school nila. Isa pa ito sa mga beshies ni Aine at isa rin ito sa mga kasangga niya sa oras ng problema.

Eivan Alastair Vanderson

Nasa kanya na ata ang lahat. Mayaman, matalino, may isang perpekto na pamilya at mga baliw na kaibigan, campus heartthrob, tinitilian gwapo ngunit mahangin nga lang. Sa sobrang hangin nito mapapakapit ka nalang sa iyong inuupuan at baka tangayin kana papuntang pacific ocean. Mayroon siyang ex na di niya parin makalimutan hanggang ngayon pero papaano kung dumating ang babaeng magpapabago sa buhay niya.

Lloyd Alex Valdez

Kaibigan ni Eivan. Mayaman, makulit, matakaw at madaldal. Mas maingay pa nga ito kung minsan sa babae, mahilig maki chismis kaya napagkakamalang bading. Ngunit di nila alam na may tinatago pala itong pagtingin sa isang babae at ang tanging paraan niya lamang para mapansin nito ay ang mag ingay.

Andre Rishu Yukigama

Half filipino half japanese. Kaibigan din ni Eivan ngunit ang pinagkaiba nila ay medyo seryoso nga lang itong hapon na 'to. May pagka weirdo pero kung kumulit naman ito ay grabe talaga. Mayaman, matalino at gwapo rin katulad nila.

Johanna Roshan

Ex girlfriend ni Eivan. Maganda, sexy, matalino at campus princess din. Pinapantasyahan ng mga kalalakihan at laging mabait sa mata ng mga tao. Ngunit di nila alam na may tinatago pala itong kati at pagka demonyita gusto niya sa kanya lang ang lahat pero kung lumaban siya ay palihim at ang pinapalaban niya ay ang kanyang mga galamay lamang.

Sam Kyle Dela Verna

Bestfriend ni Aine simula pa lamang noong grade 1 sila. Magkababata kaya halos buong buhay nila ay sila na ang magkasama. Mayaman at gwapo rin ngunit ito bang closeness nila ay magkakaroon ng lamat kung malalayo sila sa isa't isa for the first time of their lives.

--------------

An:

So here's the main characters na magkakaroon talaga ng big impact sa istoryang ito. More characters coming up so hold on lang guys. Haha wait muna ang humor bones niyo kasi di pa na update yung kamay ko. Bukas na ang chapter one and so on kasi nga as I've said ni revise ko siya kaya hintay lang po. Votes and comments are highly appreciated :)..

Thanks ate shai_raaa para sa bonggang cover :*

Dyosa Ako PERIOD No Erase (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon