Veintiocho

315 14 0
                                    

Aine's

"Aray"



"Ah dahan dahan naman"



"Leche naman oh masakit na"



"Waaah aray aray"



*crack*



"Waaaah ansakit"



"Wag ka ngang malikot princess ansakit na ng mukha ko ah" sabi niya



Eh sa ansakit naman talaga eh. Ikaw ba naman pilipitin sa paa. Huhu kainis kasi si manong bakit ba napagtripan niyang manakot.



"Aray naman!" Napasigaw ulit ako ng bigla niya namang pilipitin ang paa ko na na sprain.



Napangiwi naman siya ng masipa ko ulit ang mukha niya.



Oo, kung ako nag rereklamo ganun rin siya. Kanina ko pa kasi nasisipa yung mukha niya lalo na kapag napapalakas yung pag pilipit niya.



Kailangan niya daw kasi gawin yun para maayos yung ugat na naipit sa pagkakatalisod ko kanina. Nakaupo ako ngayon sa kama habang siya nasa sahig at pinipilit parin ang paa ko. Sabi pa nga niya na kanina padaw sana kami tapos kung hindi lang ako malikot.



Eh sinong di maglilikot ang sakit kaya.



Sumisigaw parin ako ng biglang bumukas yung pintuan. Iniluwa nito si lola na may dalang kagamitan para gawing cold compress.



"Mabuti naba ang pakiramdam mo apo?" pambungad na tanong ni lola



"Hindi la huhu ang bad po ng lalaking ito mas pinalala niya pa yata ang-- aray!" nasabi ko bigla ng marahas niyang pilipitin ang paa ko



Tumingin ako sa kanya ng napakasama pero ang gago nginisihan niya lang ako.



"Sorry princess" sarkastikong sabi niya



Obvious naman dahil alam na alam ko talagang pinagtritripan niya lang ako kaya kailangan kong bumawi

Dyosa Ako PERIOD No Erase (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon