Diecinueve

371 14 4
                                    

Aine's

Nakakatakot palang mag isa at hindi ko rin alam kong saan ako kukuha ng pera sa pang araw araw ko.



Nakakahiya din namang humingi pa ako kay auntie eh may anak din siyang binubuhay.



Di ko rin pwedeng buksan ang salon dahil una may pasok at pangalawa hindi naman ako kasing galing nila Terri at Girly sa pag aayos.



Makahanap nga ng racket bukas at baka may alam sila Lynnie basta ngayon matutulog muna ako ng mahimbing at sobrang pagod na pagod na talaga ang aking katawang lupa.



Kanina pa ako nakapasok sa bahay at kanina parin ako tapos maligo. Nakahiga na lamang ako ngayon sa aking kama habang dahan dahang hinihigop papunta sa aking dreamland.



Hmm



Good Night

----------------

*Ring Ring Ring*



~Call Me Maybe ringtone playing~



Leche umagang umaga andaming istorbo. Sobrang pagod ako ngayon na maski mga daliri ko sa kamay at paa ay hindi ko man lang maigalaw.



Parang wala nga akong planong pumasok dahil pakiramdam ko lalagnatin ako.



Urgh dahan dahan kong kinapa ang aking cellphone na nasa side table malapit sa kama ko.



"Hello" inaantok kong sagot



(Hello Raray si auntie mo ito)



Parang nawala naman lahat ng sakit at antok ko ng marinig ko ang boses ni auntie. Napaupo ako sa kama at napadaing ng marealize ang ginawa ko.



Aray ko naman leche masakit pala ang katawan ko.



(Uy ray ok kalang ba diyan)



"Ah opo auntie ok lang ako kayo po diyan?"



(Ay nako mabuti naman akala ko talaga maglulupasay kana diyan dahil wala kami haha)

Dyosa Ako PERIOD No Erase (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon