Treinta Y Cinco

352 11 7
                                    

HindiNiyoToKilala (para creepy datingan hahaha)

"Is everything settled?" sabi niya sa taong kausap niya sa kabilang linya



"Yes boss everything is going well according to plan" napangisi naman siya sa balitang iyon habang nakadungaw siya sa malaking bintana ng kanyang opisina, mula dito ay kita niya ang magulong mundo na kinagagalawan niya ngayon.



"Then go fetch her after that event"sabi niya sabay ang patuloy niyang paglalaro sa kanyang upuan



"Yes boss and boss do you really have to do this?"tanong ng kausap niya, napaisip naman siya sa kanyang desisyon. Noong una ay tutol siya sa desisyon na ito ngunit sa mga lumipas na mga araw alam niyang may magandang kahahantungan ang desisyon niya na ito.



"Just do your job and bring flowers when you go there" wala siyang gana na sumagot sa mga tanong neto kaya bago pa ito magtanong ulit ay binaba na niya ang telepono



Napabuntong hininga siya kasabay ang paglubog ng araw na kitang kita mula sa pwesto niya.



Alam niya sa kanyang sarili na mahirap ang naging desisyon niya pero alam niya rin sa sarili niya na hindi niya  ito pagsisisihan balang araw.



Meanwhile

Aine's

*plays see you again*



Ganito ba talaga kahirap ang lahat, ganito ba talaga kamalas ang buhay ko. Sinumpa ba akong mamuhay ng hindi masaya. Aba nakakadami na kayo sa akin ha. Una di ko pa dama pero ngayon tagos na tagos eh.



Simula noong araw na iyon ay hindi na ako lumabas ng bahay pinipilit ko ang aking sarili na matulog at magising sa bangungot na ito ngunit bakit hindi ko magawa. Kung bibigyan ako ng pagkakataon yun ay bumalik sa panahong nakakasama ko pa siya.




Yung panahong buhay pa si lola



Dahil sa isiping yun ay muli na namang nanumbalik ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan tila naging gripo na ang aking mga mata dahil sa mga luhang wala ng pigil sa pag agos. Tila kada isang butil ng luha na tumulo galing sa aking mata ay katumbas din ng sakit sa aking puso. Mahirap tanggapin tila parang panaginip lamang ang lahat isang panaginip na sana ay may tumapik sa akin mamaya para ako ay magising na.



Simula noong araw na pinuntahan ako ng tauhan ni lola ay hindi na ako nakakain ng maayos at tulog nalang ata ang alam ko kasi gusto kong magising sa katotohan pero parang hindi na ata ako magigising hanggang kelan man.



*tok tok*



"Miss Aine kakain napo" mga limang beses na ata itong kumatok sa aking kwarto pero kahit anong pilit ko hindi ko maramdaman ang gutom kahit pa ilang araw na akong walang tamang kain. Minsan konti minsan hindi talaga parang nabusog na yata ako sa tulog.



"Susunod lang po ako" sagot ko pero wala naman talaga akong gana na bumaba at kumain. Simula ng nanatili ako dito sa bahay ni lola nasa kwarto lang ang punta ko kasi ayaw kong makita ang nangyayari sa baba baka hindi ko makaya.



"Ako nalang diyan" may narinig akong tinig na pamilyar sa akin



"Ray si auntie mo ito papasok ako pwede ba?" Pagka dinig ko sa boses ni auntie ay parang nanghina ako. Mabilis kong winala ang lock at pumasok naman siya sabay na umupo sa tabi ng kama ko



Dyosa Ako PERIOD No Erase (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon