Catorce

414 13 0
                                    

Ps: bangag na ud

Aine's

Nagising ako kinaumagahan dahil sa lakas ng boses ni girly. Jusko umagang umaga nag videoke sa harap ng salon at nung tinanong namin kung bakit niya yun ginawa sinabi ba namang para daw maka attract ng customers. Grabe siya di paba sapat ang aking ganda para ma attract silang dito magpaganda hmmp.



Kanta parin ng kanta si girly kaya ayun nasapak tuloy ni auntie. Salamat naman haha.



"Aray naman auntie grabe siya para ito sa ekonomiya aber--"



Rinig kong sabi ni girly. Kumunot naman ang noo ni auntie sabay pinalo ito sa balikat.



"Jusko magtigil ka diyan girly at tumulong ka don sa loob mag ayos. Bilis"
Mukhang badmood ata si auntie. Napasimangot naman si girly sabay naglakad papunta sa loob.



Tawang tawa naman kami sa mukha ni girly pero napaayos ulit ng pumasok si auntie.



Patuloy lang ako sa pag aayos ng mga gamit ng tawagin ako ni auntie.



"Aine halika nga muna dito at may iuutos ako"



Daglian naman akong pumunta ng kusina at humarap kay auntie.



"Ano po yun?"



May kinuha naman si auntie sa lamesa. Isang listahan.



"Nandito na ang mga bibilhin para sa ma bagong supply ng pangkulay, gusto ko ikaw na ang bumili nito sapagkat magaling kang mag pares ng kulay" sabi ni auntie habang inaabot ang listahan.



Binasa ko naman ito. Napalaki naman ang mata ko ng makita ko ang mga bilihin.



"Auntie may pang kulay na palang whisper ang pangalan nag iimprove yata ang industriya ah!"



Napaangat naman ang tingin ni auntie at biglang inagaw ang listahan tapos bigla akong binatukan.



"Aray ano na namang ginawa ko"



"Gaga ka talagang bata ka anong pangkulay. Jusko napkin yan kelan payan kumulay aber"

Dyosa Ako PERIOD No Erase (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon