Dieciocho

361 12 1
                                    

Aine's

Nakakapagod sobrang nakakapagod...



Ikaw ba naman kasing maglakad ng mahigit isang oras di ka mapapagod.



Jusko ang haggard ko na at feel ko babagsak na talaga ang dila ko sa lupa. Mukha na akong asong hindi napa inom ng tubig sa isang linggo.



Urgh bakit ba napapadalas ang mga ganitong pangyayari sa buhay ko.



Gusto niyo bang malaman bakit sobrang pagod na pagod ako well ganito kasi 'yon.



*flashback*

Bago pa ako tuluyang matulala napatingin ako sa aking paligid.



Mall?



Wait wait.. processing..processing..



"Manong lumagpas napo ako!"



Malakas kong sigaw dahilan kong bakit bigla ding napa break si manong. At dahil hindi ako nag seatbelt nauntog ang ulo ko sa upuan na nasa harapan.



"Aray!"



Sigaw ko sabay hinimas himas ang ulo ko na pakiramdam ko nagka bukol pa ata. Leche nama oh.



"Naku ineng ikaw naman kasi eh wag ka ngang manggulat maayos pa naman ang tenga ko"



Aba at sumasabat kapa talaga manong ha, ansakit kaya ng ulo ko. Paano kung bigla nalang akong magsuka ng dugo, magka tumor sa utak, magka internal bleeding o worst magka AMNESIA.



Paano na ang pamilya ko. Sila auntie..sila girly..sila Lynnie..Si sam.. Ang aking alagang isda ni Goldina Goldie Locks The Gold Fish wala ng mag aalaga sa kanya. Wala. Omg paano nalang ang lahat.



Hindi maaari.



Waaaah



"TAMA HINDI MAAARI!"



Sabi ko sabay suntok sa ere pero dahil nga tanga ako ay nakalimutan kong nasa loob pala ako ng taxi kaya imbes na suntok sa ere nasuntok ko ang bubong ng taxi.

Dyosa Ako PERIOD No Erase (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon