Veinte

365 15 0
                                    

Aine's

Di parin mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Yung pagtitig niya sa akin na parang hinihintay talaga niya ako o baka namna may nawawala sa bahay nila nung pumunta ako tapos ako ngayon ang pinagbibintangan niya.



Omg baka yung mga chocolate niya na kinain ko. Hmp bahala nga siya alangan naman iluwa ko yun palabas tsaka hindi naman ganun kadami ang kinuha ko, mga isa..dalawa..tatlo ..sampu.. bente ay hindi ako magaling sa math. Basta yun na yun.



Kung kanina ako ang kumakaladkad kay Lynnie ngayon siya naman ang kumakaladkad sa akin. Bigla kasi akong natulala kanina habang nakatitig parin sa akin si shokoy.



Dada ng dada si Lynnie sa tabi ko pero wala akong naririnig sa mga sinasabi niya parang nag mute ang lahat at tanging si shokoy lang ang laman ng isip ko.



Hoy wag kayong mag iisip ng kung ano-ano diyan ha hindi sa may gusto na ako don baka lang kasi kasuhan ako nun ng pagnanakaw ng chocolate. Jusko bata pa po ako para makulong.



Naglalakad parin kami ng biglang..



*Blag*



"Ay sorry" sabi nung boses



Wait may boses, jusko malala na yata ako. Dapat talaga tigilan ko na mag isip ng malalim at baka mabaliw ako neto.



"Uhm ok kalang"



Watdapak tingnan mo na Aine kinakausap kana ng isip mo. I mean literal na may naririnig ako sa paligid.. malala na ata ako.



"Ate"



Napabalik naman ako sa realidad ng may kumalabit sa akin. Napatingin ako sa paligid. Wait bakit ako nakaupo sa sahig. At bakit lumamig ang suot kong damit.



Napatingin ako sa baba at kita ko ang dahan dahang pagkalat ng kahel na likido sa aking suot na damit. Watdapak paano ito nangyari. Napatingin naman ako sa babaeng kumalabit sa akin, may hawak siyang baso na ngayon ay wala ng laman. Wait binuhusan ba ako nito ng juice.



Pagsasabihan ko sana siya ng makita ko ang pagkuha niya ng panyo sa kanyang bag at ipinahid niya ito sa aking damit.



"Sorry po talaga di ko po sinasadya" sabi niya sabay na pinagpatuloy ang pagpupunas niya sa damit ko.

Dyosa Ako PERIOD No Erase (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon