8

3 0 0
                                    

Pwede bang Ako naman?

Minsan ako'y humiling sa tala
Na sana'y ikaw at ako ay magkakilala
Ang galing ng tadhana sapagkat ito'y nangyari nga
Ngunit sa maling panahon..
Maling oras, maling lugar.
Kaya ngayon susubukan ko ulit humiling
Na sana ikaw ay maging akin
Masyadong madamot ang mga bituin para ikaw ay hindi ibigay sa akin
Bakit? Dahil ako ba ay walang karapatan
Hindi ba ako karapat dapat magmahal kailan man
O hindi ka nararapat mahalin
dahil hindi ka sa akin nakatingin.

Maaring bang ibaling mo naman ang iyong mga mata sa akin?
Kung maari lang naman dahil ako, kaya kang pasiyahin
Kaya kong ialay sayo ang mundo
Na tayong dalawa mismo ang bubuo
Kaya mo bang ibigay sa akin ang pagtingin na matagal ko ng hiling
dahil matagal ko ng gusto na ikaw ay makapiling
Gusto kitang hagkan, gusto kong isigaw na tayo ay para sa isa't-isa
Mahal kita sinta
Pero alam kong hindi mo kayang ibaling sa akin ang iyong atensyon
Kaya patawad sa pamimilit ko sa iyo
Alam kong walang may kasalanan
Dahil kahit kailan Hindi naging kasalanan ang pagmamahal
Nagmahal ako sayo at ikaw nagmahal ng iba
Masyadong madaya ang buhay
Kaya ako ngayon heto at nagaantay
Sa pag ibig na walang kapantay.

Compendium of Words and FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon