Ulan.
Na siyang nagsilbing ala-ala sa bawat sakit.
Sakit na idinulot mo noong tayo ay naghiwalay..
Natatandaan mo pa ba?
Noong hapong iyon ako'y nagmakaawa.. Nagmakaawa,
Na sana.. Ako'y huwag mong iwan.
Halos lumuhod ako sa lupa..
Pinigilan mo ako ngunit.. Iniwaan pa din.
May mali ba sa akin o sa atin?
O sa relasyong ito. Mahal, anong problema?
Bakit tayo natapos ng ganito.
Ganitp ba kapait ang magmahal?
Hindi makakain, makatulog at puro iyak
Kakaisip sa atin, sa mga ala ala na sana'y mas dumami pa..
Kung sana..
Kung sana'y sinabi mo ang rason mo, sana'y nadamayan pa kita..
Kaya mahal, pasensya kung ngayon lang ako nakadalaw ulit
Sana'y masaya ka kung na saan ka man..
Mahal na mahal kita..
BINABASA MO ANG
Compendium of Words and Feelings
PoetryRandom Poems. Random Thoughts. Random Happiness. Random Brokenness. (C) 2017 mrmrnl. All rights reserved.