May hawak akong papel
Isang papel na kulay kahel
Gusot at mukhang nalipasan ng panahon
Gaya ng pag-ibig natin noon.
Ito ay simbolo ng ating pagmamahalan
Kung saan bawat damdamin,
Atensyon at oras ay inilaan.
Sa aking hawak na papel,
Nakapaloob ang isang litrato
Malaki ang pinagbago
Tulad ng ating samahan
Na akala mo'y hindi magkakaiwanan.
BINABASA MO ANG
Compendium of Words and Feelings
PoetryRandom Poems. Random Thoughts. Random Happiness. Random Brokenness. (C) 2017 mrmrnl. All rights reserved.