87

0 0 0
                                    

Minsan naisip ko
Kung hanggang kailan pa kaya ito
Dahil minsan nakakasawa na, lalo na kung paulit-ulit nalang.
Isang araw, sobrang mahal mo ako
Sa makalawa, ay nawawala ang bahaghari at paru-paro sa aking tiyan.
Tama pa ba ito?
Itutuloy ko pa ba ang relasyong walang ibang nangyari ay sakitan?
Isusuko ko na ba ang lahat  at pakakawalan na kita
Dahil mahal, hindi sa lahat ng oras ay kaya kitang initindihin
Ang utak at puso ko ngayon ay nasa pagitan ng itutuloy ko pa o hindi na.
Sa gitna ng matirik na araw naglalakad ako
Iniisp ko, kung pupuntahan ba kita
Oo aalis nalang ako ng walang paalam
Kasi kung makita pa kita ay baka hindi ko magawang hiwalayan ka
Ang puso ko ay magmamakaawa na sana, akin ang buong atensyon mo pero hindi
Kaya pasensya na, kailangan kong gawin ito.
Paalam.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Compendium of Words and FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon