Nung sinabi mong ayaw mo na, hinayaan kita. Kahit masakit pinalaya kita. Yung tipong kahit saan ako magpunta ikaw lang yung nasa isip ko. Pero kinaya kong kalimutan ka. Sana ngayon, kayanin mo din. Ikaw ang umayaw, hindi ako. Iniwan mo ako para lang sa pag-ibig na walang pundasyon, pinagpalit mo ako sa isang pagmamahal na mababaw at ngayong wala na, babalik ka? Kung kailan meron na akong iba? Pasensya pero siguro hanggang dito nalang yung kwento natin. Hindi ko na hahayaang masira ako ulit, o mawasak ng sobra. Salamat sa mga ala-ala. Hiling ko ay ang kasiyahan mo.
BINABASA MO ANG
Compendium of Words and Feelings
PoesiaRandom Poems. Random Thoughts. Random Happiness. Random Brokenness. (C) 2017 mrmrnl. All rights reserved.