Dahil ang tayo mahal ay malabong mangyari
Na kahit sa panaginip lang ay hindi ko parin makita,
Makita... ang posibilidad na ikaw at ako ay para sa isat-isa
Kaya't kumakapit ako sa mga bituin
Na ang aking hiling ay tuparin, ang hiling kung saan..
Kahit pagkakaibigan nalang ang ibigay sa atin
Dahil kaya kong makuntento.. Maging martyr o masokista
Makita at makasama lang kita..
Aking mahal, buong kalawakan ay hindi sangayon sa atin
O sa akin, kaya't sana.. Ikaw din, hilingin ang posibilidad na ito.
Dahil umaasa ako, umaasang tuparin ito ng bawat tala.
At kung ang paghiling ay katumbas ng ilang bilyon
Iyon ay aking gagawin..
Kaya sisimulan ko na ngayong humiling..
BINABASA MO ANG
Compendium of Words and Feelings
PoetryRandom Poems. Random Thoughts. Random Happiness. Random Brokenness. (C) 2017 mrmrnl. All rights reserved.