63

5 0 0
                                    


  Nasasaktan tayo kasi pinili nating magmahal kahit na alam na nating masasaktan tayo. Kasi gusto nating sumaya, at nahanap natin iyon sa pagmamahalang tayong dalawa ang bida. Hinanap natin ang kasiyahang alam nating hindi mapapantayan o matutumbasan ng kung sino man maliban sa taong minamahal natin ng lubos. Ngunit kahit gaano mo man kamahal ang tao, darating at darating ang punto kung saan pareho na kayong susuko sa relasyong inyong binuo at pinuno ng pagmamahal at kasiyahan dahil sa mga kasinungalingang inilihim ng kaytagal. Kung saan ang atin ay maling pagmamahal, maling nagkaroon ng tayo dahil may nauna na sayo bago pa naging tayo.  

Compendium of Words and FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon