Ang Prologo

153 1 0
                                    

Ang Prologo

Bawat simula ay may katumbas na wakas. Bawat pagsilang ay sya naming pagpanaw. Bawat pagbuo ay may kapalit na pagwasak. Bawat pangungusap ay nagtatapos sa isang tuldok. Panahon ng pagsibol, panahon ng tag-lagas. Ang bawat prologo sa mga aklat na ganito ay may epilogong nagtatakda ng wakas nito. Samakatuwid, ang lahat ay may kanya-kanyang hangganan.

Hindi ako natatakot, nangangamba, nag-aalala at nag-dadalawang-isip na ikatha ang lahat ng aking naiisip, nadarama, ginagawa at mga pangyayari sa bawat segundong dumadaan para sa akin

Pinangarap kong mabuhay sa habang panahon, napaka-imposible kung tutuusin ang ganitong bagay sapagkat limitado lamang ang panahong natin sa mundong-ibabaw na kung saan ang lahat ay hahantong sa katapusan. Sa pamamagitan ng pagsulat ay magagawa ko ang imposibleng pangarap na ito. Magagawa kong mabuhay sa alaala ng mga taong babasa ng aking katha.

InihahanDog ko ang lahat ng ito sa mga

tAong laman ng aking jouRnaL, sa

mga EstudyaNtEng nag ka-

cuting class para lamang

mag-movie marathon, sa

mga kaibigan kong

madalas manlibre

sa akin at higit

sa lahat, sa

taong ito,

nakita

mo ba

.?

College Journal (Ang Diary ni Pong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon