HDIYL #14

14 1 1
                                    

Chapter 14

Friends

  Sa ikatlong pagdoorbell ko'y narinig ko na ang tunog ng pagbukas ng pinto nila Yannie.

Nilingon ko pa si Chase na nakasandal at nakahalukipkip sa kanyang alfa romeo na kotse.

"Anong kailangan nyo?" Isang babaeng mataba ang nagbukas ng pinto ang bumungad sa akin. hindi ko ito kilala at ngayon ko lamang siya nakita. sa tuwing nagpupunta ako rito'y hindi ko sya nakikita.

"Hinahanap ko po kasi si Yannie. andito po ba sya? mga kaibigan nya kami"

"Ahh.. si Maam Yannie? pumasok muna kayo at tatawagin ko sya"

Pumasok kaming dalawa ni Chase sa kanilang sala. inilibot ko pa ng aking mga mata sa kanilang malaking bahay. minsan lang ako magawi dito.

Abala si Chase na panghalatian ang juice na ibinigay kanina sa amin ng kanilang katulong. ako naman ay hiuminto sa paglilibot sa aking mata ng makita ko si Yannie na pababa ng kanilang grand staircase.

"Vian!" aniya

"Yannie, can we talk?"

Tikom ang bibig ni Yannie nang maupo siya sa maliit na sofa. magkatabi naman kami ni Chase sa may mahaba nilang sofa. tinitigan ko lamang si Yannie at tinatantsa ang kanyang magiging reaktyon.

"If this is about Wax or Kyle, please wag nalang!" nagiwas sya sa amin ng tingin

"Sana hindi masira ang pagkakaibigan nating tatlo dahil sa problemang ito" mahinahon kong sambit.

Tahimik lamang si Chase habang nakikinig sa amin. maya pa'y tumayo sya.

"Doon lang ako sa garden" aniya at lumabas na. naiwan naman kaming dalawa ni Yannie na sobrang tahimik.

"Yannie, nagsisisi si Wax sa lahat ng nangyari"

"Dapat lang Vian. magsisi sya dahil ang laki ng kasalanan nya sa akin!" pasinghal nyang sambit.

"Kung titignan mo ang lahat. hindi ba't may kasalanan ka rin naman!"

Napalunok ako nang tignan nya ako. tingin ng isang mapanuring mata ang iginawad nya sa akin ang kanyang mga kilay ay nagsasalubong at parang maraming gustong sabihin. nagiwas syang muli ng tingin pagkatapos. iniyuko nya ang kanyang ulo at nagsalita.

"Ano pang silbi ng pagpunta mo rito Vian? kahit ano pa yan ay may lamat na ang pagkakaibigan namin ni Wax. ikaw nalang ang tinuturing kong kaibigan"

"Wag mong sabihin yan Yannie. kaibigan ko kayong parehas ni Wax. at ayokong magkakaroon tayo ng alitan. nasasaktan ako dahil ako yung nasa gitna nyo"

"Hindi mo kailangan pumagitna sa amin Vian. hayaan mong ganito nalang kami" aniya sa mahinang boses ngunit ramdam ko ang kanyang galit.

"Bakit ba ang tigas ng puso mo? parang wala kayong pinagsamahan ni Wax!"

"Dahil nasaktan ako! Oo inaamin ko may kasalanan din ako. pero hindi ba't mali ang manlandi ng boyfriend ng iba? and that Wax and Kyle do behind my back!"

"Hindi alam ni Kyle na may relasyon kayo ni Kyle. please forgive Wax"

"Pinagtatangol mo ba ang malanding iyon? sige kampihan mo sya"

"Wala akong pinagtatangol. stop being childish Yannie. magisip ka!"

Humikbi si Yannie at akmang lalabas na ang kanyang mga luha. hindi ganito ang inaasahan kong mangyayari.

Sandaling katahimikan ang namalot sa buong mansyon nila Yannie. yumuko ako at pumikit. hindi ko na alam ang gagawin sa mga kaibigan ko. sana matapos na ito.

How deep is your Love [On hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon