HDIYL #7

14 1 1
                                    

Chapter 7:

Sick

  Simula pa kaninang umaga ay hindi na maganda ang panahon. makulimlim at hindi tumitigil na ulan ang nararanasan na panahon ngayon.

Pero gayun pa man ay may pasok. kahit malamig at nakakatamad ay nagawa ko paring bumangon para maghanda sa pagpasok.

Naglalakad ako sa may corridor nang masalubong ko si Yannie. di na ako agad nakita dahil busy sya sa kanyang cellphone.

"Yannie!" tawag ko.

Nangmakita nya ako'y mabilis nyang itonago sa kanyang likuran ang kanyang cellphone. namilog ang mga mata na akala mo'y nakakita ng multo.

"ano bang nangyayari sayo? bakit ganyan ang reaktyon mo?"

"ah..eh.." tumawa lang sya. "Wala! ikaw naman"

"Sigurado ka? baka may nangyari sayo ha. pwede,kang magsabi"

"naku wala nga. ikaw nga tong dapat magkwento eh. hindi na tayo nagkikita"

Iniiba nya ang usapan. mukhang may itinatago sa akin. ano kaya iyon.

"Kamusta na kayo ni Chase?"

"ano naman ang iku-kwento ko? normal lang naman ang araw pagnagkikita kami. ill do my task and he also do he's task too"

Narinig ko ang pagtunog ng cellphone niya. nang buksan nya ito'y hindi na naalis ang kanyang ngiti.

"Tama ka. hindi na nga tayo nagkikita. magkwento ka kaya. parang ikaw ang dapat nagku-kwento ha!"

Mabilis nyang tinago ang kanyang phone sa kanyang bulsa na parang meron talagang tinatago roon

"wa-wala ha. busy lang ako. alam mo na maraming requirements"

****

Walang practice ang swimming team ngayon. kaya napagdesisyonan kong pumunta ng library para gumawa ng assignments. sinamantala ko na ang pagkakataon.

I wonder kung nasaan kaya si Chase. hindi ako nagpunta ng pool area kaya di kami nagkita ngayon. nasan kaya sya.

Di rin sya nagti-text sa akin. busy kaya sya?

Hay.. sana man lang magtxt sya kahit isa lang. sinilip ko ang aking cellphone kung meron ngunit txt lamang ni Patrick ang naroon.

Hi  -Patrick

Wala akong ganang makipagtxt kahit kanino. pero bakit pagsa kanya ay may namumuo sa sistema ko ng pananabik? kapag wala naman ay nadidismaya ako. Chase, bakit ka ganyan? ano bang pinakain mo sa akin kung bakit ay hinahanap hanap kita?

Walang pumapasok sa utak ko kundi't sya lamang. isinarado ko na ang libro at napagdesisyunang lumabas na ng library.

Gabi na at maulan. hindi ko na namalayan ang oras. kinuha ko sa aking bag ang payong at nagsimula ng lumabas ng gate.

Naglalakad ako sa may corridor nang maaninag ko ang dalawang tao na nasa gitna ng campus.

Malakas ang ulan. bakit naman nasa gitna ng campus sina Patrick at Kat. at... teka.. nagaaway ba sila?

Kitang-kita ko ang itsura ni Kat na nakakunot ang noo. tinulak nya ng buong lakas si Patrick ngunit mukhang hindi ito natinag. gusto ko mang marinig ang pinaguusapan nila ngunit hindi ko magawa. sobrang layo ko sa kanila

Hindi ko rin alam kung ang basang nasa mukha ni Kat ay luha o ang mga sunod-sunod na patak ng ulan.

Hindi ko rin nakikita ang reaktyon ni Patrick sapagkat nakatalikod sya sa aking banda.

How deep is your Love [On hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon