HDIYL #18

11 0 0
                                    

Chapter 18:

Prize

Walang salita ay pumasok sya sa kanyang kotse. pumasok na lamang din ako sa may front seat.

"Kahit gaano ka kagalit sa akin ay hindi mo dapat pinapakitaan ng masama ang ibang tao. dapat marunong kang magtago ng nararamdaman. pwede naman nating itong pagusapan ng private diba?"

Hindi sya kumibo. bagkus ay nasa malayo lama ang kanyang mga tingin.

"Isa pa pala Chase, kelan ako pumayag na sayo ako sasama ng buong araw? kelan ka pa nagdedesisyon ng mga schedule ko?"

Natahimik ako ng bigla nyang ikinalampag ang manibela sa harap nya. halos mapatalon ako sa gulat. bakit sya ganyan? i try my best na maayos kami. pero mukhan mas nagiging worse pa ang lahat.

"Sinabi mong gagawin mo ang lahat para lang mawala ang galit ko sayo hindi ba? eto ang gusto kong paraan para mawala ang galit ko sayo. gusto kitang makasama ng isang buong araw! mahirap bang gawin yon?"

Natulala ako ng panandalian bago naisip ang nangyari kanina. nasabi ko nga ang ganung bagay sa kanya. gusto kong magkasundo kami. pero hindi ko akalain na ganito ang gusto nyang paraan.

Fine.. huminga ako ng malalim..

"Yan ba ang gusto mo? sige.." i'd smile and accept what he want. tssk.. kung it nga ba ang gusto nyang paraan para magkabati kami edi sige..

Beside...

Gusto ko rin naman ito.. ang makasama sya.. kulang pa nga ang isang buong araw eh.. hayy..

Hindi sya nagsalita. hindi sya tumingin sa kin. bagkus ay pinaandar na nya ang kanyang sasakyan. act like he don't care..

Pero sa totoo lang ay nakikita ko ang maliit nyang dimple. nakalitaw na naman ito.

"Wala ka bang sasabihin?"

Abala sya sa pagmamaneho nang sumulyap sya sa akin ng panandalian.

"Anong sasabihin ko? galit pa ako hanggang ngayon!" aniya

"Tssk.. galit ka? may galit bang nakangiti?" inirapan ko sya. sinong niloko nya.

"Ako.. may tanong ka pa ba? tskk.. basta bukas susunduin kita. kaya gumising ka ng maaga"

After nito ay hinatid na nga nya ako pauwi sa amin.

Mabuti na lang at hindi na nya ako isinama sa kung saan-saan. marami akong kailangan gawin ngayon.

Kelangan kong maglagay ng cream sa aking mukha at pipino para sa aking mata. bukas ay buong araw kaming magkakasama ni Chase at ayokong magmukhang pangit sa harapan nya. kelangan ko ring pagisipang maigi kung anong susuotin ko. pwede naman magcivillian bukas dahil sa biyernes naman.

Gusto kong maging presentable sa harapan nya. conscious ako sa sarili ko pagka-kasama ko sya.

Humiga ako sa kama habang nakapatong sa aking mga mata ang mga hiniwang pipino. magrerelax na sana ako nang biglang magring ang phone ko.

Agad ko itong sinagot.

"Hello?"

"Vian!" si Yannie na mukhang may problema. halata sa tono ng kanyang boses.

"Yannie? bakit ka tumawag?"

"Kasi Vian.. hmmm... its about Kyle"

Huminga ako ng malalim. akala ko ba'y tapos na ang lahat sa kanila?

"Anong tungkol sa kanya?"

"Nagusap kami kanina. and you know what? gusto nyang makipagbalikan sa akin"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

How deep is your Love [On hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon