HDIYL #16

12 0 0
                                    

Chapter 16:

Sorry

Naging mas lalong hectic ang schedule ni Chase dahil sa papalapit na laban nya sa National Swimming competition.

Lagi namang handa ang aking Dslr upang kuhanan ang lahat ng kanilang pagpapractice.

Lahat sila ay ginagawa ang best nila para sa pagpapratice. lalo na si Chase na syang pinaka abala.

Sa isang gilid ay namataan ko si Kyle na mukhang balisa. magulo ang kanyang buhok. kunot noong nakatitig sakanyang cellphone. Malamang ay hanggang ngayon ay sinusuyo nya parin si Yannie.

Araw-araw ay ganoon ang eksena. palaging hawak ni Coach Noli ang kanyang timer para orasan ang paglangoy ni Chase

"Kayapala inspired ngayon si Chase" nakangising sambit ni Patrick nang bigla syang lumapit sa bench na kinauupuan ko. kinuha nya ang tumblr sa gilid ng kanyang bag at ininom ito.

Ngumiti lamang ako habang pinagpapatuloy ang pagkuha ng litrato sa kinaroroonan nila Chase.

"Magaling lang talaga sya. noon pa man inspired na sya" sagot ko. nilapag ang hawak na camera at lumingon sa kanya.

"Pero iba ngayon. nandito ka na kasi" Nilapag nya ang tumblr at tinapik ang balikat ko. pagkatapos ay bumalik na sya kasama sina Chase.

Kahit hindi kami madalas magkita ni Chase ay tumatawag at nagtitxt sya sa akin ng madalas. minsan nga ay nasusungita ko sya dahil halos minu-minuto sya kung magtxt. baka yun na pang ang gawin nya.

Kinabukasan ay kasama ko si Wax para maglaunch. abala si Chase kaya hindi kami magkikita ngayon.

"Ngayon palang ay nararamdaman ko na ang panalo ng Louise Team" ani Wax

Naglalakad kami ngayon papunta sa Cafeteria nang bigla naming nasalubong si Yannie.

Kapwa kaming natigilan ni Wax mula sa paglalakad. nakatingin kaming parehas sa halos namamasang mata ni Yannie.

Kinabahan na ako bigla ng magsimula na syang maglakad papunta sa kinaroroonan namin ni Wax.

Agad nyang niyakap si Wax. sa gulat naman ng aking kaibigan ay napanganga na lamang sya.

Bumagsak ang mga luha ni Yannie habang hindi inaalis ang pagkakayakap niya kay Wax na ngayon ay bumagsak na rin ang mga luha sa mga mata.

Maging ako ay hindi narin napigilan ang pagbuhos ng aking mga luha. halo-halong pakiramdam ang nagwawala sa aking loob. masaya ako dahil sa wakas magiging maayos na rin ang lahat.

In a munite ay nanatili kaming tatlo sa ganitong posistyon. walang nagsasalita at walang gumagalaw.

Namiss ko ang pagsasama sama naming tatlo. parang hindi kami nagkita ng sobrang tagal.

Nang hindi na ako makatiis ay niyakap ko narin silang dalawa.

"Im sorry! im sorry! im sorry!" paulit ulit na sambit ni Yannie.

"Shhh!" saway ni Wax sa kaibigan.

Nang bumitaw si Yannie sa yakap uang tignan si Wax ay bumitaw na rin ako.

"Im sorry Wax. im sorry for everything. hindi ako dapat naging ganun kaharsh sa inyo. lalong lalo na sa iyo" ani Yannie na balot ng pagsisisi ang tono ng kanyang boses.

"It's ok Yannie. parehas tayong may kasalanan" pinunasan ni Wax ang mga luha na tumulo sa mukha ni Yannie.

"Im just.." Hindi naituloy ni Yannie ang sasabihin nya at umiling na lamang sya.

How deep is your Love [On hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon