HDIYL #15

5 0 0
                                    

Chapter 15:

The set up plan..

"I'll call you later ok? sorry hindi talaga kita masusundo ngayon"

I was packing my bag when Chase called. aniya'y hindi nya raw ako maihahatid at masusundo ngayon. he was worried because he think that i'll be getting mad at him.

"Wag kang magsorry. wala sa akin yon. ok lang. alam kong kailangan mong magpractice ng magpractice. malapit na ang National competition"

Suminghap ako dahil sa bigat ng bag na binuhat ko. rinig ko ang maliit nyang pagtawa sa aking cellphone.

"Hayaan mo. babawi ako pagtapos nito"

"Kahit hindi na" ngiti ko sa kanya

Actually, magiging abala rin ako para sa araw na ito. kailangan ko pang ayusin ang articles na ginagawa ko tungkol sa kanilang nalalapit na competition. isa pa ay kailangan ko ring pumunta ng library.

"No. hindi ako papayag na hindi ako babawi sayo. hindi kakayanin ng konsensya ko"

At some point, nakakatawa din itong si Chase. kahit na sobrang busy nya ay gusto nya paring maglaan ng oras para sa akin.

"O sige na nga. ikaw ang bahala" i chuckle

Busy agad ako pagkapasok ko ng classroom. maraming mga activities ang pinagawa sa amin ng aming prof.

Kahit na minu-minuto ang pagpupnas ko sa aking pawis ay hindi parin nawawala ang aking ngiti dahil sa maya't mayang pagtitxt ni Chase sa akin.

Chase:

i miss you. anong ginagawa mo ngayon?

Me:

Maraming activities ang pinaagawa sa amin ng prof namin ngayon eh.

Chase:

I wish you were here. miss na miss na talaga kita.

Hindi ko na nagawang replayan pa si Chase dahil sa pagring ng bell. agad k ng niligpit ang mga gamit ko. kelanga kong dumiretso ngayon sa library para don mag-edit ng ginagawa kong articles.

" Hay nako, marami talagang malalandi ang nagkalat sa paligid. kahit dito sa classroom namumugad sila"

Paalis na sana ako ng classroom ngunit bigla na lamang sinanggi ng kaklase kong babae ang aking balikat. muntik ng mahulog ang hawak kong loptop. mabuti na lamang ay agad ko itong nasalo.

Huminga ako ng malalim dahil sa sinabi nito. alam kong ako ang tinutukoy nya sa kanyang mga parinig. ngunit mas pinili ko nalamang na huwag na syang patulan

"True ka jan. ang lakas i-two time sina Patrick at Chase. feeling maganda"

Anang kausap nito nang makalagpas ako sa kanila. huminto ako saglit ngunit hindi na nangahas na lingunin pa ang mga ito. natatakot akong baka mapatulan pa ang mga mababang uri na klase ng tao. tandaan mo Vian, dogs dont bark if they know the person.

Mabilis kong tinahak ang corridor bago bumuga ng apoy. apoy na kanina ko pa kinikimkim sa loob ng classroom na iyon

Mabilis ag lakad ko ay hindi na tinignan pa ang mga tao sa piligid. imbis na isipin ang mga iniisip ng mga tao tungkol sa akin ay pinagtuuna ko nalamang ng pansin ang schedule ko para sa buong linggo. kailangan ko pa palang panoorin ang practice nila Chase. pero bukas na lamang yon.

"Vian!"

Nilingon ko si Wax na papalapit sa akin. hinihingal pa sya na akala mo'y nakipagkarerahan pa sa mga kabayo.

How deep is your Love [On hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon