HDIYL #4

12 1 1
                                    

Chapter 4:

Meryenda..

    Buong araw ng linggo ay pinagtuunan ko ng pansin ang pagsusulat ng article tungkol sa Louise Team.

Magaan ang pakiramdam ko ngayon dahil hindi na rin kami nagaaway ni Chase.

Kayalang ay iniisip ko parin ang sinabi nya kagabi. seryoso ba talaga sya dun? crush nya ba talaga ako?

Hay.. sa twing iniisip ko iyon ay napapahawak ako sa aking pisngi dahil sa paginit nito.

Lunes sa sumunod na araw ay naging abala rin ako sa ibang mga activities na pinapagawa ng ibang professor sa amin.

Ala una na kami nakapaglunch ng dahil roon.

"at dahil parehas nating gusto si Kyle.."

Tulala ako habang pinapauod ang dalawa sa paguusap. may iba silang topic kung saan ay hindi ako makarelate.

"Ipromise natin sa isa't isa na hindi tayo magaagawan sa kanya" ani Yannie

"Tama, mas uunahin natin ang pagkakaibigan kesa sa love life" pagsang ayon naman ni Wax

"Promise?"

"Promise!"

Dahan-dahan kong nginunguya ang potato chips na kinakain ko habang pinapanood sila Wax at Yannie na nagpi-pinky promise pa sa isa't isa.

Pagkatapos noon ay tumango lang ang dalawa at sabay na tumawa. parang mga baliw lang na nakatakas sa mental.

"Nga pala guys.. magiging busy na ako kasi sunod-sunod ang mga activities namin sa HRM. kaya madalas ay hindi nyo na ako makakasama" Yannie pouted her lips.

Nalungkot naman kaming dalawa ni Wax. nasanay akong sila ang araw-araw na kasama ko. mas maraming time pa nga ang naiigulgol ko sa kanila kesa sariling pamilya ko eh.

Pero kailangan namin intindihin iyon lalo na't importante ang dahilan nya.

"it's ok.. we understand you" ngiti ko

"pero promise mo naman sa amin na kapag may time ka ay ililibre mo kami" pumalakpak si Wax at ngumisi

"No preblem.. wag kang magalala Wax. magiipon ako ng marami para sayo"

"talaga Yannie? how sweet!"

"Masiba ka kasi kaya kelangan maraming ipon. baka ma-short pa ako sayo"

Umismid sa kanya si Wax kaya natawa ako sa kanilang dalawa.

"Naku ikaw talaga nuknukan ka ng kawalang hiyaan" ani Wax habang tinuturo pa si Yannie.

Nagtawanan kaming dalawa ni Yannie. hay naku.

***

  Hapon nang makapunta ako sa may pool area. naabutan ko roon sina Coach Noli At Chase na nagpa-practice. di ko maiwasan ang pagngiti ko.

Dinampot ko ang DSLR na nakasabit sa aking leeg at agad kinuhaan ng litrato sina Coach Noli at Chase habang nageensayo.

"Wag ka ng torpe. sige na.. lapitan mo na"

May narinig akong maliit na boses sa di kalayuan sa akin. pagkalingon ko'y sina Bobby at Kyle ito habang tinutulak si Patrick palapit sa akin

"Hi" bati ko sa kanila

"Hi Vian" bati ni Kyle na tinigil ang pagtulak kay Patrick

"Ito kasing kaibigan namin eh.. may sasabihin daw sayo" ani Bobby sabay sapak sa kanya ni Patrick.

How deep is your Love [On hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon