HDIYL #11

2 1 0
                                    

Chapter 11:

Deny

  Nang sumunod na araw ay tuloy tuloy parin ako sa pagco-cover ko sa practice ng Louise team.

At sa tuwing nagkakasalubong kami ni Patrick ay ramdam ko parin ang galit nya sa amin ni Chase. hindi sya umiimik sa twing nagkakasalubong kami. hay.. iniisip ko nalang na balang araw ay mapapatawad nya rin kami.

"Mabuti naman at nasabi mo rin. atleast ngayon alam na ni Patrick na wala syan pagasa sayo" ani Yannie na busy sa pagpi-paint ng kung ano. proyekto ata nila ito.

"tama ka jan Yannie" pagsangayon ni Wax

"tumigil nga kayo jan. hinaan nyo ang boses nyo"

"so what kung may makarinig? totoo naman yun. mas maaawa lang sila kay Patrick kung tumagal pa iyang kabaliwan nyo" Irap ni Yannie.

Hindi na ako sumagot sa paguusap nila. inayos ko na lamang ang lens ng aking DSLR.

Sa gitna ng katahimikan ay narinig namin ang pagtunog ng cellphone ng kung sino.

Huli na ng malaman naming kay Yannie iyon nang basahin nya.

"sino naman yang nagtxt sayo?" tanong ni Wax nang akmang sisilipin nya ang tawag.

Ngunit biglang iniwas ito sa kanya ni Yanmie na animo'y may tinatago roon.

"wa-wala ito. si Mommy lang yung nagtxt. maaga akong pinapauwi"

Pansin ko sa kanya ay mukhang nagsisinungaling siya. tumango na lamang ako para hindi na humaba pa ang usapan.

"si-sige guys magkita nalang tayo bukas" ani Yannie na abala na sa pagliligpit ng kanyang mga gamit.

"ok sige" sabi ko

"bye guys" nakipagbeso sya sa amon ni Wax pagkatapos isukbit sa kanyan likuran ang bagpack nya. umalis na sya pagkatapos.

Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Wax.

"Parang may napapansin akong kakaiba kay Yannie. ikaw rin ba?"

Nagkibit balikat nalang ako kay Wax. may hinala na ako pero hindi ko iyon isisiwalat kay Wax hangga't hindi ako sigurado. ayokong magaway sila.

****

Nang matapos ang klase ay dumiretso na ako agad sa pool area.

Nagtaka ako dahil walang ibang tao roon kung hindi si Chase lamang.

Di ko maiwasang mapangiting pagmasdan sya sa kanyang ginagawa. ang galing nya talaga sa larangan ng paglangoy.

Lumapit ako sa tabi ng pool at umupo roon. mabilis naman nya akong nakita kaya lumangoy sya kaagad papunta kung saan ako naroon. ngumiti sya at kita ko na naman ang kanyang maliit at cute na dimple.

"Hi" bati ko nang makalapit na sya sa akin.

"Hi.. nandito ka ba kasi namimiss mo na ako?" at talagang confident sya kung magtanong ha!

"you wish. narito ako para icover ang practice nyo"

"wala si Coach ok?" biglang nawala ang kanyang ngiti sa sagot ko. iban klase talaga an mood swing ng isang ito.

"kung ganon nasan sya? ang iba?"

Nagkibit balikat lamang sya. "malay ko! bakit ba kasi hinahanap mo sila kung narito naman ako?"

Minsan talaga kahit hindi nya sinasadya ang mga ganoong pick up lines ay nahahanap ko parin ang pagiging cute nya.

"nanjan ka na bakit pa kita hahanapin?" sagot ko.

How deep is your Love [On hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon