HDIYL #9

4 1 0
                                    

Chapter 9:

Snob

 Lumipas ang mga araw ay hindi na kami nagpapansinan ni Chase. sa tuwing naroon ako sa practice nila ay wala akong ginagawa kundi't  gawin ang task na ibinigay ni Miss. Duano sa akin. si Chase naman ay nagpapatuloy lang din sa kanyang ginagawa.

Minsan ay isinama ko si Wax para tulungan ako sa pagkuha ng Video habang iniinterview sina Coach Noli at ang iba pa.

Hindi ako maka-Focus lalo na't alam kong nakatitig sa akin si Chase.

"We've practice harder and work together as a team. i think that's our secret of being successful" sagot ni Coach Noli sa huli kong tanong

Hindi ko alam kung bakit biglang nagingay ang mga tao sa aking paligid.

Nilingon ko ang aking likod at nagulat ako nang makita ko si Patrick na nakatayo malapit sa akin. may dala syang bouquet ng bulaklak.

"Woohh!! go Patrick!" sigaw ni Bobby sa di kalayuan.

Nilingon ko si Coach Noli na nakangiti habang pinapanood kami. si Wax naman ay nanatiling bini-videohan ang mga kaganapan.

"Vian"malaki ang ngiti sa akin ni Patrick nang ibinalik ko sa kanya ang aking tingin.

"Patrick galingan mo!" sigaw ni Kyle

"wooh Patrick! yeah.. that's my boy!" palakpak ni Bobby sa sobrang pagsuporta

Sumenyas si Patrick na tumahimik muna. itinaas nya ang kanyang kanang kamay at itinikom ang kamao. nakuha naman kaagad ito nina Bobby at Kyle.

Lumapit pa lalo sa akin si Patrick
"i want to court you. please give me a chance to prove to you how much i want you" aniya

Nagpatuloy ang sigawan ng mga naroon sa aming dalawa ni Patrick. ngunit nang nilingon ko si Chase ay tahimik lang syang nakatayo habang pinapanood rin kami.

Kinakabahan ako. hindi dahil sa ginagawa ni Patrick ngayon sa harapan ko kundi't ang mga mata ni Chase na walang expresion habang nakatitig sa akin.

Poker face. hindi ko alam kung ok lang ba sa kanyang nakikita kami ni Patrick o may inis ng namumuo sa kanyang sistema. haay.. bakit ba sobrang importante sa akin ang mga reaktyon ni Chase? dahil ba sa pagtatapat nya sa akin nung gabing iyon. nagkaroon kaagad ng  lamat ang pausbong naming pagkakaibigan dahil sa pagtatapat nya sa aking mahal nya ako.

"Vian" muling tawag ni Patrick

"ahmm" tinanggap ko ang bouquet ng roses na binigay nya. "thank you"

Mas lalo pang lumapad ang ngiti nito. hinawakan nya ako sa kamay. "pumapayag ka na bang i-date kita? ano Vian?"

I dont want to be rude. lalo na kung maraming tao. ayokong mapahiya si Patrick. pero kailangan kong sabihin sa kanya na hindi ko pa kayang magpaligaw sa kanya. kelangan nyang malaman na hindi ko sya gusto. na.. hindi pa ako sure kung may nagugustuhan na nga rin ba akong iba. ayoko syang umasa. ayoko syang masaktan. bilang kaibigan.  mas gusto kong maayos ang pagsasama namin . yung walang ilangan.

"Ok sige" siguro ay sasabihin ko nalang sa kanya kapag nagdate na kami

.Hindi pwede ngayon dahil maraming tao sa paligid. mas mabuting kaming dalawa lang.

Mas lalo lang nagingay ang lahat ng taong nasa paligid namin kasama si Patrick. panay ang kantyaw nila sa kanya. nangingiti na lamang ako dahil sa mga kulitan ng mga ito.

****

Madilim na nang nakauwi ako ng bahay. nagulat ako dahil sa saktong paglabas ko ng taxi ay may humila sa akin sa kung saan.

How deep is your Love [On hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon