Salamat na lang at nag ring ang bell nang school kung hindi di na naman ako titigilan nang mga to at syempre yung taong nagdedefend sakin, sino kaya siya?
Nung uwian na namin kinausap ko siya bigla "Ammmm salamat nga pala kanina" bigla ako nagpaslamat sakaniya, bigla ko naman din natanong ang pangalan niya "hala hindi mo narinig introduction ko kanina?" Nakakaawkward kasi hindi ko talaga narinig pangalan niya "ako pala si renz williamson" salamat na lang pabiro niyang sinabi
Yung usapan namin tumagal dahil may sense of humor talaga siya pero dahil uwian na "amm salamat ulit, wag kang magalala treat kita minsan" sabi ko "ok lang yon sabihin mo lang saakin kung inaapi ka na naman non pagtatanggol kita" bigla niyang sinabi na pabiro
Maya maya nakauwi na ako galing school pero bago yun nakita ko pa si isaac na pumasok mismo sa bahay nang kapitbahay namin
Pero wait lang, wala naman nakatira diyan,ang pagkakaalam ko umalis na yung mga nakatira diyan, pero bakit pumasok siya sa bahay na yan?
Hala, huwag mong sabihin, si isaac? Nakatira lang sa tabi namin? Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko, siguro nga diyan talaga nakatira si isaac
At dahil don ang bilis kong pumasok nang bahay, na may kasamang kilig na parang bulate habang naglalakad
"Oh anak, nakauwi ka na pala, hindi man lang kita napansin pumasok" biglang sabi ni mama sakin "ma kakauwi ko lang" sabay akyat pataas nang kwarto para magbihis pero iniisip ko pa rin si isaac na pumasok don sa kabilang bahay
Pagkatapos bumaba na ako at dahil nauuhaw ako uminom ako nang tubig sa kusina at nagpunta nang salas "oo nga pala nak, may bago na naman lipat diyan sa kabila, mukang galante, ang sabi nila galing abroad daw yung mga yon" yung nanay ko napaka informative pagdating sa pagiging chismosa
"Ah, pero ma?! Kilala mo ba yung bagong lipat?" Tanong ko sakaniya pero laking gulat ko sa sinabi ni mama sakin "nev---nebil or neville? Ata ang apelyedo non" neville? Parang narinig ko na yan
FLASHBACK
"Ako nga pala si isaac alexander neville, ne----vi---lle"
END OF FLASHBACK
Omg, neville!! isaac alexander neville, natandaan ko na "Si isaac yung nakita ko kanina!!" Bigla ko napasigaw nang di man lang nagisip "Nak?? Isaac??"
Tanong ni mama "wala ma, sensya na"Kinabukasan biglang may kumatok sa pintuan, at dahil weekends ngayon kaya walang pasok hindi ko naman aakalain yung pamilyang neville yung kumatok sa pintuan namin
Binuksan ni mama ang pinto "ammm hi? Kami nga pala yung bagong lipat sa kabila, pasensya na kung naistorbo namin kayo gusto ko lang magpakilala and gusto ko rin maibigay to sainyo" napakabait nung nanay niya lalo na maganda at mukang maayos manamit hindi kagaya nang nanay ko parang kakatapos lang chumismis doon
"Ah, thank you, pasok kayo" biglang dumating si isaac, syempre nagtago ako sa likod mahirap na baka biglang sumabog puso ko "gab? Ano ba?" Sabi ni mama "ah ito ka pala ang anak ko si isaac" hindi ako makapaniwala kapitbahay ko lang siya "ito naman yung anak ko" pinipilit akong tanggalin ni mama sa likod niya hanggang sa "ito pala ang anak ko si gab, oo nga pala bakit di na lang natin tuloy ito sa loob yung kwentuhan" pumasok na sila sa bahay
Nakaupo na sila sa salas nang bigla akong inutusan ni mama kumuha nang juice para sa mga bisita pagkatapos pumunta na ako sa salas "san nga pala nagaaral yung anak mo?" Biglang natanong nang mama ni isaac " sa high future university" sagot ni mama nang sinabi nang mama ni isaac "diyan din nagaaral ang anak ko, hindi ba kayo
magkaklase?"sinabi ko sakaniya "amm,di ko po alam lalo na po nagstart pa lang po yung klase namin" bakit nagsisinungaling ka gab huwag ganun"Magkaklase naman talaga tayo diba" bigla nagsalita si isaac, totoo ba to? May worth yung pagsisinungaling ko "pasensya na, makakalimutin lang ata ako" sabi ko
Maya maya natapos din yung paguusap nila, pero kasamaang palad kanina pa nakauwi si isaac bago pa yung mommy niya pero dahil sa tinagal nang pasuusap nakauwi na rin yung mama ni isaac
"Nak? Yun ba yung tinutukoy mong isaac?"
"Bakit ma?"
"Alam mo di lang ako kumikibo pero alam ko yun yung sinigaw mo kaninang pangalan"
"Ah?? Ibang isaac po yun"Oo nga pala, naisigaw ko nga pala ang pangalan ni isaac kanina, kaya pala natatanong si mama (sigh)
Kinagabihan syempre tamang nood lang nang kdrama, for sure kinikilig tayo pag gabi hanggang kinabukasan na to, wala na talagang tulugan, at dahil wala na naman pasok ulit kinabukasan nanood ulit ako nang kdrama nung gabing yun pero syempre kinabukasan
SCHOOL
Puyat ang kapalit "natutulog ka pa ba?" Tanong sakin nung kaibigan ko sa ibang section "ang laki nan nang eye bag mo" dagdag niya
"Nanood kasi ako kdrama, syempre weekends lang ako nanonood"
"Hindi yon kasi kapag linggo at nanood ka pa kdrama nung gabing for sure pagdating mo s school kinabukasan puyat ka"
"Sinabi mo pa, alam ko naman yun"
"Eh alam mo naman pala sana alam mo din limit mo at alam mo rin matulog"Nagpatuloy yung pagaaway namin dahil lang sa puyat ako, eh samantalang siya puyat din minsan akala nito ako lang
Natutulog naman ako pero weekends lang talaga hindi, sensya na
((((((((((((((((((End)))))))))))))))))))
BINABASA MO ANG
The Popular Girl Falls In Love With a Cool Nerd Boy [Complete]
Teen FictionA cool nerd boy and the popular girl in love isang storya nang dalawa tao just to say they like each other pero it takes times para lang malaman nila kung ano nararamdaman nila sa isat isa Read it and you know it:))) Enjoy❤️