chapter 40

24 0 0
                                    

habang nasa isang room si nate.. tinawag ako ni mommy ni nate sa labas

kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin saakin ni mommy(nate)

umupo kami at nagsimula na siyang magsalita

"ammm, gabby?"

"bakit ho??"

"sa totoo lang, ayoko talaga tong sabihin pero..."

hindi ko alam kung ano pa ang susunod niyang sasabihin pero mukang may problema

"pero...may sakit si nate sa puso"

bigla akong nagulat sa narinig ko dahil ngayon ko lang nalaman talaga ang sakit ni nate

"ma...may sakit...po...sa puso??" utal utal kong sinabi habang pinipigilan ko ang luha kong bumaba saaking muka

"pasensya ka na iha, gusto kita.. para sa anak ko pero syempre i am worried about my son hindi siya pwedeng mapagod at lalo na ang sobrang mainlove sa isang tao, hinayaan ko siya kasi alam ko yun ang ikaliligaya niya sa buhay niya, to be honest, you change him, because he was so mean before hindi ko alam kung paano ko siya tuturuan ng manners dati sa sobrang kasungitan niya pero mali pala ata ang naging desisyon ko na hayaan ko siyang mainlove sayo, kasi masyado kong inisip ang kaligayahan niya kaya hinayaan ko siyang maging kayo ng anak ko"

hindi na ako nakapagsalita sa sinabi ni mommy ni nate saakin, syempre para kang nabunutan ng tinik, hindi ko na alam kung anong gagawin ko

"amm sinasabi nyo po ba na..."

"oo gabby, pasensya ka na pero, please pakawalan mo na siya, nahihirapan na rin siya, kaya siya pabalik balik ng hospital, ayoko sana tong sabihin, pero ina din ako nagaalala din ako sa anak ko" sinasabi niya ito habang unti unting umiiyak ang mga luha niya, naaawa rin ako kay nate at nagaalala, syempre sa nanay niya na sobrang alalahanin sa kaniyang anak, ayoko sana iwan si nate pero kung yun ang ikabubuti niya, siguro kailangan ko na rin pakawalan si nate

maya maya nasa loob na kami ng room at bigla namang gumising si nate

pero bigla ko namang naisip na paano ko ba sisimulan ang sasabihin ko para kay nate

"gab..by??" bigla akong tinawag ni nate

"huwag kang magalala nandito ako pati rin ang mama mo" bigla akong umalis sa tabi ni nate at lumapit ang mommy ni nate sa tabi niya

"anak? salamat na lang gising ka na"

"bakit...nandito.. ako" mahina niyang sabi

"anak? nahimatay ka kasi kanina, pero ok ka na oh"

"gabby??" nate

hindi ko kayang lumapit kay nate ulit,"amm nate?? aalis na ko, hinahanap na rin kasi ako sa bahay"

dali dali akong umalis, pero yung time na yun ayokong umalis sana dahil hindi ko siya kayang iwan don pero nagalala talaga ako sa kaniya lalo na sa mommy niya

paguwi ko ng bahay napagalitan ako ni mommy dahil anong oras na rin ako nakauwi wala na kong madahilan kung hindi nanghingi na lamang ng pasensya

kinaumagahan hindi ako makatayo sa hinihigaan ko dahil parang ang bigat ng katawan ko dahil saaking iniisip

paano ko ba ito lulutasin? or paano ko ba sasabihin kay nate na..

kailangan ko na siyang iwan dahil nagalala talaga ako sa kaniya

ayokong makipaghiwalay sa kaniya pero mas importante pa rin ang buhay ng isang tao, kung mahal mo siya you need to do what its best to him/her pero......

pagpasok ko pa lamang ng university usapan na naman si nate dahil nasa hospital siya ngayon

pero ako hindi ako nagpaapekto at nagpatuloy sa pagpasok sa room

ngayon every lesson na itinetake ko hindi ko naiintindihan at nagiisip isip, para akong tanga at nababaliw

kailangan ko na atang mag Psychiatrist kung hindi baka matuluyan ako sa pagkabaliw

bigla namang may tumawag

si nate

"hello?"

"gabby??"

"oh nate?"

"pasensya ka na kung wala ako diyan"

"ok lang nate, mas mahala makapagpahinga ka"

"sure ka??"

"oo sige na, nandito na yung prof namin"

"sige, bye luv you"

"mmmm, luv you"

kukuha lang ako ng tyempo saka ko sasabihin sa kaniya ang dahilan....

-----------------------------------------------------------

The Popular Girl Falls In Love With a Cool Nerd Boy [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon