chapter 3

212 2 0
                                    

Room
Sa sobrang antok ko parang namamaga na yung mata ko dahil kakanood nang kdrama kagabi, (sigh) pasaway ka talaga gabi, tulog na kapag tulog na minsan umaabuso ka na eh

Maya maya pumasok na si isaac, syempre hindi mawawala yung awra niyang nakakaganda nang araw, natitigan ko siya habang siya ay papunta sakaniyang desk pero inalis ko agad yung tingin dahil baka may makakita na tinitignan ko pa siya

"Hi goodmorning" sabi ni renz na kakapasok pa lang, syempre binati ko din siya pabalik

"Ano may umaaway na naman ba sayo?" Tanong ni renz habang patapang niyang sinabi
"Wala, wala naman yung mga bibe wag kang magalala"
"Magaalala ako once na may manakit sayo pero bakit bibe?" Natawa siya sa tanong niya syempre pinaliwanag ko sakaniya kung bakit bibe "muka kasing grupo na mga bibe yung mga yun at yung nakakatawa pa yung lider nilang si mapula"
"Wow, mapula talaga? Samantalang sakin clown, muka kasi silang clown talaga"

Napatagal yung mga kuwentuhan namin at tawanan hanggang sa nagsimula na ang klase, bigla namang nagtanong si mam kung nasaan ang mga grupo nang bibe

"Baka late lang po mam"
"Baka absent po"
Sabi nang mga kaklase ko, habang yung teacher namin galit na galit dahil nakita niya yung mga bibe nasa labas mga late nang pumasok

At dahil galit si mam at hindi nakapagtimpi lumabas siya para pagsabihan yung mga bibe at dahil hindi ko kayang tiisin di tumawa nang tahimik habang sila ay pinapagalitan sa labas hindi ko napansin nakikita pala ako nung lider nila

Kaya nung uwian na inabangan talaga nila ako sa labas, hindi ko naman sinadya na tumawa basta ako tumawa lang

"Oy? Gaga! Bat mo kami tinatawanan kanina!" Bakit hindi ba pwudeng tumawa? Masyado na ata siyang maraming napapansin saakin baka bawas bawasan mo naman guluhin ako

At dahil hindi ako mahilig mamansin, tinalikuran ko lang sila na parang walang nagsasalita syempre ayaw ko naman makipagaway sakanila, mahirap na baka mapaguidance pa ko

"Oy? D mo na naman ba kami papansinin? Ha?" Snobber nga ko diba? Syempre hindi kita papansinin

Pero dahil di ko sila pinansin sinabutan ako nung isang bibe, bigla naman dumating si isaac at tinanggal ni isaac ang kamay na nanabunot saakin

"Isaac" mahinhin sinabi nung bibeng nananabunot saakin

"Halika na gabby!" Biglang sabi ni isaac, pero yung mga tingin nang mga bibe alam mong may pagseselos, deserve nila yan actually dahil sobra na rin sila salamat na lang kay isaac

"Isaac?" Tinawag ko siya ngunit ang tahimik niya, parang ayaw niyang pagusapan yung ginawa niya

Sa sobrang akward namin sa isat isa hanggang sa makauwi kami, ang tahimik talaga, ako na nagadjust para kausapin siya "isaac?" Tumingin lang siya saakin

"Wala lang" tinapos ko agad ang usapan at dahil malapit na kami sa mga bahay namin syempre gusto ko na umuwi

Bago ako pumunta sa bahay nagpasalamat ako

"Salamat nga pala" sabi ko
"Saan?" Tanong ni isaac
"Yung kanina, niligtas mo ako sa mga yun" masiyado ata ako assuming
"Ah, pero niyaya lang kita umuwi magkatabi lang tayo nang bahay"
"Ah, pasensya na, ammm pasok na ko" sabi ko sakaniya habang hiyang hiya ako sa sarili ko
"Sige" habang papasok na rin siya nang bahay nila

Pagpasok ko nang bahay daretso agad ako sa kwarto ko, hindi ko alam kung bakit niya ginawa yun pero alam ko niligtas niya ko, kinilig ako bigla

Flashback

"Halika na gabby" yung mga boses niyang nakakaakit tapos yung pagkabanggit niya sa pangalan ko alam ko ako lang ang tinatawag niya at wala nang iba

End of flashback

Sabado na ngayon at syempre hindi mawawala yung panonood ko nang kdrama kagabi, paggising ko nang umaga iba ang bumungad sa bintana pagbukas ko

Si isaac na naka topless mismo sa tapat nang bintana niya, napasigaw ako bigla, nakikita ko siya dahil ang bintana ko at ang bintana niya magkatapat lang nang biglang nagpalit lang pala siya nang damit, hindi ako makapaniwala nakita ko yung katawan ni isaac

Kinilig ako pero dapat binibigyan ko siya nang privacy, pero parang wala nang privacy accidentaly ko lang naman nakita body niya e

Pero nung nakahubad pa siya muntikan na niya kong mahuli kaya nagtago agad ako pero tiningnan ko ulit ayon nagpalit lang siya tapos umalis na

Maya maya bumaba na ako nang kwarto para magalmusal "nagaalmusal ka pa pala?" Tanong ni mama, akala ko umaga pa pero tanghali na pala

May tumawag saakin, pagkakita ko nang number hindi ko alam kung sino to kaya hindi ko na sinagot yung tawag

Maya maya tumatawag na naman siya syempre hindi ko ulit sinagot hanggang sa kinukulit na akong tawagan kaya sinagot ko na

"Hi?" Bigla siyang nagsalita, tinanong ko siya kung sino siya at bakit alam niya number ko"ako to si madilyn" madilyn yung childhood friend ko

"Musta ka na" tanong ko
"Ito buhay pa, ikaw? Pasensya na kung nagbago na ko nang number"
"Ok lang din, nandiyan ka pa rin ba sa korea?" Ito yung kababata ko na half filipino half korean, bigla sila umuwi nang korean dahil sa nanay niyang nagkaroon nang trabaho sa korea kaya naghiwalay kami at hindi na rin nagkita simula non ata dahil may mga ways na para lang may koneksiyon kami sa isat isa ay yung pagtawag or yung video call, yon nagkakausap din naman kami

Napansin ko kung paano niya ko natawagan sa number na pang pilipinas, kaya bigla ko napansin na baka nandito siya sa pilipinas

"Nandito ka ba sa pilipinas?" Bigla ko siya natanong
"Bakit mo alam?"
"Yung number na tinatawagan mo sakin"
"Ah, oo nga pala, oo nandito ako sa pilipinas"
"Saan ka ngayon? Namimiss na kita"
"Nasa isang hotel, kakauwi ko lang din kasi pero, dadalaw ako diyan wag mong sabihin kay tita"
"Ah, sige ikaw may sabi"
"Susuprise ko si tita at dalaw na rin sayo, bigay mo na lang address niyo at hindi pa ko sure kung kailan ako makakapunta diyan"
"Ah sige, punta ka agad dito ah"
"Opo"

Tinext ko na yung address namin sakaniya, actually hindi ako makapaniwala nandito na siya sa pinas makikita ko ulit siya

Maya maya lumabas na ako nang bahay para bumili nag makakain at dahil may malapit na tindahan (market ni mamang kung tawagin)

Pagkapunta ko doon, sakto naman nakita ko si isaac umiinom nang softdrinks sa labas mismo nang tindahan, hindi ko tuloy alam kung tutuloy pa ba ako o hindi nakakahiya kasi

Hindi ko na lang siya pinansin, nagugutom na ako e, kung pansinin man niya ko, then pansinin ko din siya

Hanggang sa nakapasok ako nang tindahan wala naman siyang pakialam, ok lang naman kung di niya ko pansinin basta nakita ko abs niya kanina (bigla siyang napatawa sa iniisip niya)

"Ok ka lang?" Sabi nung tindera
"Ay sorry po"

((((((((((((((((((End))))))))))))))))))

The Popular Girl Falls In Love With a Cool Nerd Boy [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon