chapter 39

23 0 0
                                    

"gabby?"

"isaac?!!"

sinundan ko siya hanggang sa

palaginip lang pala ang lahat

"gabby sa likod mo" sabi ng classmate ko

tinignan ko ang likod ko, yung prof ko hays

"so ang topic natin ngayon ay ang pagtulog ni gabby sa time ko" sabay tingin sakin nung prof

"pasensya na po"

"next time walang matutulog sa lesson ko, maliwanag ba yun!??"

"opo sir"

"good, so balik tayo sa lesson"

hays, bat ba ako nakatulog, saka napalaginipan ko si isaac masyado ko ata siya iniisip kaya kahit sa palaginip nandon din siya

recess

"gabby ano nangyari sayo?" tanong sakin ng kaibigan ko (joy)

" wala, siguro kulang lang sa tulog kagabi"

"hays, kdrama na naman ba yan?"

"ammm.. oo..oo"

"we? or baka" bigla nilang ngiti

"si nate yan, may something kayong ginagawa nung kagabi, yieee"

"ano??? hindi no"

"ito naman oh, lam mo yon, yung nagdate kayo kagabi, or hangout genun"

"ewan ko sayo"

"ano ba yang pinagiisip mo? hays"

wala akong iniisip na genun (sigh)

ng matapos na ang recess, bumalik ako sa room ko at gumamit ng cellphone, well wala na rin akong balita kay isaac simula ng matapos ang graduation, at umalis sila ng walang paalam kahit sa social media, hindi na siya masyadong gumagamit, chinachat mo pero walang sagot, ano na kaya nangyari sa kaniya?? sana maayos na ang buhay niya kung nasaan man siya

habang kumakain kami sa canteen may naririnig akong tsismis tungkol kay nate, so hanggang dito pa naman may issue pa rin si nate

"ui?? nakita nyo ba yung babaeng kasama ni nate?"

babae? hindi naman sa nagseselos ako baka kasi kapatid niya yun or cousin or friend niya kaya hindi ako agad nagiisip na may babae si nate hays

"oo, nakita ko nga.. mukang mas maganda pa kay gabby yung babaeng kasama ngayon ni nate e" bulong niya

"ui? wag ka ngang maingay, nandito lang siya sa likod natin oh"

"e ikaw tong nagsimula e"

wow napakatsismosa talaga ng mga to.. syempre naririnig namin.. mga ugok

ng makaalis na kami sa canteen, bigla ko namang nakita si nate, tatawagin ko sana ngunit biglang may lumapit kay nate

kaya hindi ko pinagpatuloy na tawagin siya
sino kaya siya??

pagbalik namin sa room, yun ang usapan ng tsismosa sa room namin, nakakarindi, ui nandito na ako oh!!

"hala diyan na si gabby, quiet lang" bulong nila

"ui diyan na si gabby" blah blah

oo narinig ko na...ok??

maya maya may tumatawag sa cp ko at si nate iyon, sinagot ko to at sabi niya magdate daw kami mamaya so pumayag na ako

night

nasa restaurant na kami ni nate at kumakain ng dinner, habang kumakain bigla kong nasulyapan yung lalaki sa gilid namin na kamuka ni isaac kaya wala akong nagawa kung hindi baliwalain yun, baka isa na naman yung isang illusion

nagpatuloy ako sa pagkain ng dinner habang kinakausap ako ni nate, pero bigla kong narealize na i was fucking tired of all this hindi ko kayang mahalin pala si nate dahil tama nga sila, pinagpipilitan ko lang ang sarili ko sa kaniya dahil naaawa ako kasi may sakit siya, kaya wala akong nagawa kung hindi sagutin siya na hindi man lang nagiisip

kaya kailangan kong tiisin ang lahat ng ito

"gabby?" paulit ulit akong tinatawag ni nate pero ako naman hindi ko napapansin ang pagtawag niya sakin hanggang sa...

"GABBY??" bigla siyang sumigaw na parang galit na galit

nagulat ako sa pagsigaw niya, lahat ng tao sa restaurant napatingin saamin at nagulat pero yung kamuka ni isaac napatingin din kaya nakita ko ang buong muka

hindi pala siya...

pero si nate..

"nate??!! andng nangyayari?? nate??" natataranta ako dahil biglang hindi nakakahinga si nate "tulong!!??, tumawag kayo ng ambulansya!!" hanggang sa tumawag na ang isang staff sa restaurant

at ako naman natataranta dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, hindi ko alam ang sakit niya pero alam kong may sakit siya

"kunin... mo" mahina niyang sinabi

"parating na ang ambulansya!!"

"gamot....ko"

hanggang sa nakarinig na lamang ako ng ambulansya sa labas..

"mam nandiyan na po ang ambulansya!!"

pinasok na nila si nate sa ambulansya at ako naman ay sumama sa kaniya

nang makapunta kami ng hospital, nasa er na siya at ako naman natataranta.. hanggang sa naisipan kong tawagin ang magulang ni nate

"oh.. gabby?"

"si...si nate po"

"papunta na ko diyan!!" natataranta niyang sagot

The Popular Girl Falls In Love With a Cool Nerd Boy [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon