Chapter 15

3.8K 161 3
                                    

IFIWMBF: Changes

Phoebe.

"Ano ba talaga ang nangyari?" tanong ni PS habang nakatingin sa amin na nasa gulo kanina. Napabaling sakin si PS, "Miss Dela Fuente, paano ka napunta don?"

Huminga ako nang malalim bago magsalita, "Nasa classroom po ako nang tawagin po ako ng kaklase ko dahil binubully daw po si Aina ng mga seniors. And as class president po, pinuntahan ko po si Aina. Pagdating ko po don nakapalibot na po itong mga seniors na 'to kay Aina habang umiiyak at nakayakap sa tuhod niya si Aina." sabi ko at tinignan ko pa nang masama ang mga seniors, aba, porket mas matanda sila samin gaganyanin na nila kami!

"Hinarang po ako pero hindi po ako nagpatinag pinuntahan ko pa rin po si Aina at aalis na po sana kami don nang bigla pong may humila sa buhok ko. Sa inis po na naramdaman ko, nasampal ko po siya." dagdag ko pa at tinuro ko ang babaeng nasampal ko kanina.

Nakita ko ang pagface palm ni PS habang nakatingin sakin at napapailing sa mga seniors.

"Kayo? Anong dahilan niyo? Bakit humantong kayo sa ganong sitwasyon?" tanong ni PS sa mga seniors, hello, ang dami kaya nila, pito silang nakapalibot kay Aina kanina.

"Masyado po kasing maharot 'yang si Aina! Kabago-bago!" depensa ng isa sa mga senior students na nambully kay Aina.

"Language, hija. Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng word na maharot." sabi ni PS, "I think dahil ito sa isang lalaki, sino 'yon at kailangan niyo pa mam-bully para lang sa lalaking 'yon?" tanong ni PS sa mga seniors.

"Si Joaquin po," sagot nung isa,

Napailing na lang ako habang nakatingin sa kanila. Naaawa ako sa kanila, hinahayaan nilang magmukha silang desperada dahil lang kay Joaquin. My god!

"Ano niyo ba si Joaquin? May relasyon ba kayo kay Joaquin?" tanong ni PS sa mga seniors, natahimik ang mga seniors at napayuko na lang sa kahihiyan. "Senior high na kayo, hindi ba dapat kayo ang nagiging role model sa mga junior high hindi yung kayo pa ang nagsisimula ng gulo."

"Sorry po," sabay sabay na sabi ng mga senior students kay PS.

Napailing si PS, "Miss Tan, I'm really sorry naging ganito ang pangalawang araw mo dito sa eskwelahan natin. And don't worry, they will be punished."

"It's fine PS, sana lang po hindi na maulit." sabi ni Aina dahilan para mapatingin ako sa kanya. Para talaga siyang anghel na bumaba sa langit. "Tsaka PS sana po hindi na makarating 'to sa pamilya ko. Ayaw ko na po ng gulo, gusto ko lang po na makapag-aral nang maayos at tahimik dito."

"We'll see," sabi ni PS kay Aina. Tinawag ni PS ang sekretarya niya dahil nakahanda na yung punishment na ilalatag sa mga seniors. Bumaling siya sa mga seniors at napailing sa mga ito. "For all of you, 3 days suspension plus 1 week school service. Plus, ipapatawag ko ang magulang ng bawat isa sa inyo."

Lahat sila ay nagulat, "Pero PS napuruhan din naman po ako ah, mas malala pa nga po oh." sabi nung sinampal ko at pinakita kay PS ang pisnge niya na namamaga pa rin. "Dapat may punishment din po si Miss Dela Fuente, ang sakit kaya nung sampal niya!"

"She's a volleyball player, what do you expect?" rinig kong sabi nung sekretarya ni PS kaya napatingin kaming lahat sa kanya at napatikom na lang siya ng bibig.

Bumaling sakin si PS kaya napataas ang kilay ko, "Miss Dela Fuente, anong dahilan mo bakit mo siya sinampal?" tanong ni PS sakin.

"Hinablot niya po ang buhok ko, PS."

Bumaling naman si PS sa nasampal ko, "Ikaw bakit mo hinablot ang buhok niya?"

Natigilan ang babae at hindi alam ang isasagot niya, napailing na lang ako at napatingin sa namumula niyang pisnge, nakaramdam ako ng awa dahil alam ko sa sarili ko na napalakas ang sampal ko sa kanya.

I Fell Inlove With My Best Friend (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon