Chapter 78 - UNOFFICIAL

3.1K 137 65
                                    

Phoebe.

Hays, buti na lang sabado ngayon at may oras akong kausapin si Joaquin. Ang kinakatakot ko lang, pano kung hindi niya pagbigyan ang feelings namin para sa isa't isa. Pano kung hindi naman talaga niya ko mahal? Nasabi niya yon, dahil lasing siya nung gabing yon.

Bumangon ako sa kinahihigaan ko at kinuha ko ang phone ko. At ttinext ko siya.

To: OxygenBestplen
Joaquin, pwede ba tayo mag-usap? Hihintayin kita sa Kalayaan Tree.

Sinend ko na yon at tumayo nako. Maliligo nako. Pumasok nako sa banyo at naligo lang ng naligo. Pagkaligo ko, nag-ayos lang ako saglit. Kinuha ko ang phone ko, para tignan kung may reply siya pero wala.

Bumaba nako. Nakakadalawang baitang pa lang ako ng marinig ko ang malakas na sigaw ni Ace.

"KEN! KEN! KEN!" sigaw niya. Sumilip ako mula dito sa kinatatyuan ko at nakita kong nakahawak siya sa magkabila niyang tuhod. Kasama niya si Hailey at si Carlo. Nasa baba din si Kuya at si Crystal.

"ANO!? INGAY MO!"

"TOL, SI JAPOY!" sigaw niya habang hingal na hingal. Napakunot ang noo ko. Ano nangyari kay Joaquin?

"OH ANONG NANGYARI KAY JAPOY!" sigaw ni Kuya. Andito lang ako at nakikinig sa kanila. Anong nangyari kay Joaquin?

"AALIS SIYA!" sigaw ni Ace.

"TANGINA ACE, AALIS LANG PALA EH. MAKAREACT KA EH!?" sigaw ni Ace.

"HINDI YON ANG IBIG SABIHIN NI ACE!!! AALIS NA SI JOAQUIN, PAPUNTANG CANADA AT HINDI NA DAW BABALIK!" natigilan ako, napaupo ako sa hagdan. Pano ko? Iiwan na niya ko? Asan na yung pangako niyang habang buhay nasa tabi ko lang siya? Asan na?

"ANO!?" sabay na sabi ni Kuya at ni Crystal. "ANO!? HINDI NA BABALIK!?" sigaw ni Kuya.

"OO NGA!? TARA NA, PIGILAN NATIN!" sigaw ni Ace. Dali dali akong bumaba.

"SASAMA KO!" sigaw ko sa kanila. Napatingin silang lahat sakin.

"Sigurado ka ba?"

"MAHAL KO SI JOAQUIN AT HINDI SIYA PWEDENG UMALIS!" sigaw ko sa kanila.

"Tara na!"

Lumabas na kami at sumakay sa van. Van nila Ace. Si Ace na ang nag-drive at katabi niya sa harap si Carlo. Katabi ko naman si Hailey at si Crystal pati na rin si Kuya.

Hindi pwedeng umalis si Joaquin, hindi pwede. "Okay ka lang ba?" tanong sakin ni Kuya.

"Mukha ba kong okay Kuya?" pilosopong sagot ko kay Kuya. "Ace, pakibilisan naman oh. Baka hindi nating maabutan si Joaquin." sabi ko kay Ace. Tumango siya.

"Phoebe, kumalma ka nga."

"Kuya, pano kakalma!? Sige nga, pano kung si Crystal aalis na at hindi na babalik. Ano makakakalma ka ba, Kuya?" sabi ko sa kanya at napapikit ako.

"Syempre hindi."

'Lord, wag niyo po papaalisin yung eroplano. Wag niyo po papaalisin si Joaquin.'

"Nams, kung ako sayo. Magdasal ka na magka-LBM yung piloto." sabi sakin ni Carlo na nasa harap. Huhu, sana nga. Please, Joaquin wag mo ko iiwan. Hindi ko kaya ng wala ka sa buhay ko.

Mga 30 minutes pa ang nakalipas at malapit lapit na kami sa NAIA.

"Nako Namie, traffic!" sabi ni Ace sakin. Napatingin ako sa harap at traffic nga. Ang malas! Ang malas malas ko!

I Fell Inlove With My Best Friend (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon