Chapter 70 - Chance nga ba?

3K 118 16
                                    

Phoebe.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon, ang alam ko lang. Nasaktan ako sa sinabi niya. Bakit ba kasi ako nasasaktan? Bakit nagkakaganito ako, eh ano nga ba niya ko? Ano nga ba ako sa buhay niya?

Sa bawat pagpatak ng ulan ay siya ring kasabay ng pagpatak ng aking mga luha sa mga mata ko. Napadpad ako sa isang park, umupo ako sa may bench dun tsaka ako tumingin sa langit.

"Lord bakit nagkaganito? Bakit humantong sa ganito?" sigaw ko, habang umiiyak pa rin. Hindi ko na alam ang gagawin ko, mahal na mahal ko si Joaquin. Mahal na mahal ko siya, pero nasaktan ako. Nasaktan niya ang damdamin ko.

"Sabi ko naman sayo, ako na lang." napalingon ako sa nagsalita, may dala siyang payong. At pinayong niya yon sakin. Umupo siya sa tabi ko kahit na basa ang upuan.

"Nico..."

Lumingon siya sakin. "Naomi, ayokong nakikita kang nasasaktan. Ayokong nakikitang kang ganyan, gusto kitang pasayahin." sabi niya sakin, napayuko ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Nico?

"N-nico, i-m s-sorry. *sob*" sabi ko sa kanya, ngumiti siya sakin at hinawakan ang kanang pisngi ko.

"Tahan na, nandito lang ako." sabi niya sakin. Sinandal niya ang ulo ko sa balikat niya. "I'll be your crying shoulder..."

Tuloy tuloy na ang pag-agos ng luha ko. Bakit ba kasi ganun? Bakit sinasabi niya na mahal niya ko? Paano ko papaniwalaan ang isang lasing na kung ano ano ang sinasabi? Ayoko ng umaasa, kasi masakit. Masakit umaasa...

"Hindi mo ba napapansin na sa tuwing magkakasama tayo, laging umuulan?" sabi niya sakin, at naramdaman kong napatingin siya sa mga mukha ko. "Phoebe, hayaan mo kong mahalin ka. Hayaan mo kong pasayahin at alagaan ka... Phoebe, hayaan mo ko. Give me a chance, to prove myself to you."

"Nico..."

"Please? Ayokong nakikita kang umiiyak, at yon ang hindi ko gagawin sayo... hindi kita papaiyakin. Aalagaan kita, basta't hayaan mo lang ako na patunayan sayo kung ano nararamdaman ko." napaangat ako ng tingin sa kanya, kaya nagtama ang mga mata namin. Tama bang bigyan ko siya ng chance? Hindi eh, mali. Mali dahil may mahal ako. Alam ko ang pakiramdam ng pinapaasa, at ayokong gawin yon sa iba.

"Nico... i-m sorry..." sabi ko sa kanya, at napaalis ako sa balikat niya. "I-m sorry, Nico.. mahal na mahal ko si Joaquin..."

"But he hurt you..."

"Kahit saktan pa niya ko ng ilang beses, siya at siya pa rin ang mamahalin ko hanggang dulo. Kasi siya lang ang nilalaman at sinisigaw ng puso ko, ngayon kailangan ko lang makapag-isip isip kailangan ko ng oras para makapag-isip.... im sorry , Nico..." tuloy tuloy na ang pag-agos ng luha ko. Im sorry, Nico...

"He's very lucky..."

"Im sorry, Nico. Ayokong paasahin ka, dahil alam ko ang pakiramdam ng pinapaasa..."

Niyakap niya ko. "It's fine. But I'm not yet done, I will wait. Naomi, I will wait. Nandito lang ako lagi para sayo, I love you..."

"Thank you for loving me, pero hindi ko deserve ang pagmamahal mo. May mas better pa sakin para sayo..."

"Shhh. Wala nang hihigit sayo..."

--

I Fell Inlove With My Best Friend (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon