Chapter 30: JoaBe

3.7K 144 3
                                    

Phoebe.

"Ken, anak ikaw na ang bahala sa kapatid mo. Kailangan ko ng umalis ha." sabi ni Mama kaya Kuya at hinalikan nako sa noo. "Pagaling ka anak, babalik si Mama." sabi niya, ngumiti ako at naglakad na siya palapit sa pinto.

Pagbukas ni Mama ng pinto napangiti ako ng makita ko si Joaquin. Bumalik siya. Galit pa kaya siya sakin?

"Oh eto na pala ang son-----"

"Mama!" sigaw ko kaya natigilan si Mama. Sasabihin nanaman niyang son in law niya si Joaquin. Aish!

Ngumiti sakin si Mama na oarang kinikilig pa at nagwave na siya sakin at tuluyan ng lumabas ng room ko.

Napatingin naman si Kuya samin ni Joaquin. "Labas muna ko." matipid na sabi niya. At ngumiti sakin ng nakakalokong ngiti, ay nako si kuya at mama talaga. Mag-ina nga talaga sila.

Lumabas na si Kuya at lumapit sakin si Joaquin habang nakangiti.

"Hoy babs, kamusta ka na?" bungad niya, napangiti naman ako. Alam kong hindi na siya galit sakin.

"Okay naman. Ikaw kamusta ka na? Tagal din nating di nagkausap." sabi ko sa kanya napangisi naman siya.

"Malamang natutulog ka eh." sabi niya tinignan ko naman siya ng masama. "Ikaw eh. Magiingat ka kasi parati, kahit wala ako." dagdag pa niya.

"Bakit iiwan mo na ba ko?" sabi ko. Hindi ko alam pero bakit ba nasqbi ko yon. "Hindi ko dapat sinabi yon so----"

Tinakpan niya ang bibig ko. "Phoebe, kahit kailan hinding hindi nako mawawala sa tabi mo." parang lahat ng dugo ko umakyat at pumunta sa pisngi. Kinikilig ba ko?

Kinikilig nga ba ko?

Ngumiti ako sa kanya para itago yung kilig na nararamdaman ko.

"Salamat Joaquin. Lagi kang nandyan sa tabi ko. Kahit na nung mga nakakaraan hindi ka nagpaparamdam." naka-pout na sabi ko. Napangisi naman siya.

"Ang galing ko magpamiss noh. Namiss mo ko noh." sabi jiya habang nakangiti. Ngiting kaytagal kong di nakita.

"Asa ka. Di kita namiss noh." sabi ko at napangisi naman ako.

"Ganyan ka naman eh. Hindi mo nakikita yung halaga ko." malungkot na sabi niya.

"Ahhh kawawa naman ang Joaquin namin." parang bata na sabi ko sa kanya. "Binibiro lang kita. Syempre namiss kitang bugok ka." sabi ko kaya napangisi niya.

"Ikaw talaga." sabi niya sabay gulo sa buhok ko.

"By the way, kamusta na nga pala si tita Cha?" tanong ko sa kanya, naikwento kasi sakin ni Kuya yung nangyari kay Tita Cha.

"Honestly, hindi pa siya okay. Depressed pa rin siya kay Daddy." malungkot na sabi niya. Hindi ko naman maiwasan na malungkot sa sinabi niya.

Hinawakan ko ang kamay niya. "Joaquin, andito lang ako palagi ha. Magiging maayos din ang lahat, tiwala lang. Pagsubok lang sayo 'to na kailangan mong lampasan. Basta andito lang ako lagi para sayo." sabi ko sa kanya. At piniga niya yung kamay ko.

"Thanks, Phoebe." sabi niya at lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.


Bakit nga ba hinawakan ko yung kamay ni Joaquin?


"Nga pala. Si Noona Miho at Hiro. Uuwi sila next week."

"Talaga?"

"Gusto ka nila makita." napangiti ako sa sinabi niya. Namimiss ko na rin si Noona Miho at si Hiro.

"Kelan nga pala ko pwedeng lumabas dito?" tanong ko sa kanya. Wala kasi akong idea, kung kelan eh.

"Sabi ng doctor. Kailangan ka pang obserbahan, kaya baka next week pa." sabi niya. Napatango naman ako, at may biglang kumatok. "Sandali lang, buksan ko lang."

Tumayo na si Joaquin at lumapit sa pinto at bigla na lang namatay ang ilaw. At narinig ko ang pagbukas ng pinto.

"Joaquin? Asan ka?" natatakot na sabi ko. Takot kasi ako sa dilim, hindi rin naman ako makatayo dahil bawal pa.

Ano ba nangyayari? Ilang segundo ay hindi pa rin sumasagot si Joaquin.

"Joaquin! Kuya!" sigaw ko pero wala talagang sumasagot. At wala akong makita dahil madilim sa kwarto at gabi na rin at walang liwanag. Natatakot na talaga ako.

Hanggang sa makarinig ako ng tawanan.


Alam ko na 'to eh.

"Hoy Joaquin nantitrip ka nanaman ha!" sigaw ko. "Lumabas na nga kayo diyan!"

I Fell Inlove With My Best Friend (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon