Chapter 84 - Harana

3.1K 112 58
                                    

Phoebe.

Pauwi na kami ni Joaquin at sobrang nanghihina talaga ko as in. Katatapos lang naming magpractice sa laban ng mananayaw, grabe pakiramdam ko magkakasakit ako. Ang sakit ng puson ko tapos, iritang irita pa ko dahil meron ako ngayon. Tapos ang sakit pa ng ulo ko, bigti na!

"Okay ka lang ba?" napatingin ako kay Joaquin na hinawakan ang kamay ko. Ngumiti ako sa kanya at tumango ako. Ayoko naman na mag-alala pa siya sakin. "Are you sure?" tanong niya ulit sakin.

"Sure na sure." masiglang sabi ko sa kanya.

Bumalik na siya sa pagdadrive at ako eto hindi mapakali dahil sa iritang nararamdaman ko. Kinuha ko ang phone ko dahil tumunog yon.

From: Istal
Nams, okay na kami. Nakapag-usap na kami ng kuya mo, salamat sa help mo. lab lab.

Napangiti ako sa nabasa ko nag-away kasi sila dahil kay Ate Katie eh. Nakita kasi ni Istal na magkasama si Kuya at si Ate Katie tapos ayun nagselos, tapos si Kuya pa ang nagalit dahil daw hindi daw dapat pagselosan ni Istal si Ate Katie dahil magkaibigan lang daw sila ni Kuya Ken.

Pero okay naman na sila. At masaya ko para sa kanila kahit hindi pa sinasagot ni Istal si Kuya. Parang sila na nga eh, oo na lang talaga ni Istal ang kailangan. Si Kuya kasi napakatagal tanungin si Istal, eh yun na lang naman ang hinihontay ni Istal para maging official na sila. Si Joaquin kaya? Kelan niya kaya ako tatanungin?

To: Istal
Wag na kayo mag-aaway, mahirap pala pag magaaway kayo ni Kuya. Basta magpakatatag kayong dalawa, walang titibagsxcz walang kakalaszcq. Hahahaha, lab lab.

Sinend ko na yon sa kanya at hininto na ni Joaquin ang sasakyan dahil nandito na kami sa may tapat ng bahay namin. Bumaba na kami at huminto ako sa harap niya

"Magpahinga ka ng maayos ha, pag may masakit sayo tawagan mo lang ako. Tapos itext mo ko pag matutulog ka na mamaya. I love you." sabi niya sakin at hinalikan niya ang noo ko. Unti unting gumuhit ang ngiti sa mga labi ko.

"I love you more, Joaquin." sagot ko sa kanya. "Magpahinga ka na rin baka kung sino pa ang katext mo ha. Nako sinasabi ko sayo pagbubuhulin ko kayo nung ex mo na yon!" galit na sabi ko sa kanya. Napangisi naman siya at may kinuha siya sa bulsa niya.

Inabot niya ang phone niya sakin, napakunot ang noo ko. "Here's my phone," sabi niya habang nakangiti.

"Pano kita matetext?"

"Messenger. Pangalan mo password niyan, then nakalog-in facebook account ko diyan. Lahat ng account ko nakalog-in diyan. So makikita mo kung sino yung nagcha-chat sakin. Okay?" nakangising sabi niya sakin.

"May secret conversation na kaya," inis na sabi ko sa kanya.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Phoebe, trust me. Ikaw lang at walang iba. Ang nakaraan, nakaraan na yon. At ikaw na ang kasalukuyan at panghabang buhay kong mamahalin. Kaya wag ka na mag-alala. Hindi kita lolokohin o papaiyakin man lang tulad ng ginawa ko sayo noon. Hindi na Phoebe, hindi na kita papaiyakin. Hidni ko na hahayaan na maging malungkot ka, gusto ko lagi kang masaya. Loyal kaya ako sayo." sabi niya sakin. Napangiti ako, ano ba 'tong si Joaquin lagi na lang talaga kong pinapakilig. Kainis na ha!

Pinisil ko ang ilong niya. "Nako ikaw talaga, o sige na. Magpapahinga nako, magpahinga ka na rin ha. I love you, Joaquin." sweet na sabi ko sa kanya. Ngumiti siya sakin. At niyakap niya ko ng mahigpit.

"I love you, million billion trillion zillion times." sabi niya sakin, napangisi ako.

Kumalas na ko sa pagkakayakap namin at hinalikan ko siya sa noo niya. Nagulat pa nga siya sa ginawa ko eh. "Good night." sabi ko sa kanya.

"Bye beautiful, see you in my dreams." napangisi ako sa sinabi niya. Nagwave nako sa kanya at sumakay na siya sa kotse niya. Kala mo naman napakalayo ng bahay nila at nakakotse pa. Haha, ilang bahay lang naman pagitan namin.

Umalis na siya at pumasok nako sa loob. Pagpasok ko sa loob naabutan ko si Manang na nagtitiklop sa may sala. Ngumiti ako sa kanya. Umakyat nako dahil nakakapagod ang araw na 'to.

Pagpasok ko ng kwarto ko, binuksan ko ang ilaw. Pumunta nako sa kama ko at humiga, hays nakakapagod. Pinikit ko ang mga mata ko, at di ko namalayan na nakatulog nako.

NAGISING ako dahil may ingay akong narinig sa baba. Hating gabi na ah, bakit may nagiingay pa rin? Tumayo ako at binuksan ko ang pinto ng terres ng kwarto ko. Sinilip ko ang baba at nanlaki ang mata ko ng makita ko si Joaquin, Ace, Luke, Si Kuya Ken at si Nico. Anong ginagawa ng mga 'to? Nababano na ata.

May hawak silang gitara at nakagitna sa kanila si Joaquin, may hawak siyang rosas. Anong pakulo 'to Joaquin De los Reyes!!! Nakatingin lang ako sa kanila.

"Hi Namie."-luke
"Magandang gabi ni Namie"-Ace
"Hello, Naomi."-nico

Nginitian ko sila at dinako ko ang tingin ko kay Joaquin na may hawak na rosas at nakatingin lang sakin. Nananaginip lang ba ko?

" Uso pa ba ang harana
Marahil ikaw ay nagtataka"  panimulang pagkanta ni Joaquin. Napangiti naman ako. Ang sweet, nag-abala pa tapaga siyang haranahin ako ng hating gabi noh. At kasama pa sila Kuya ha.

"Sino ba 'tong mukhang gago
Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba
Mayron pang dalang mga rosas
Suot nama'y maong na kupas
At nariyan pa ang barkada
Naka-porma naka-barong
Sa awiting daig pa ang minus one
At sing-along"  kanta ni Kuya Ken habang nakaturo kay Joaquin. Natawa tuloy ako at napailing.

"Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa 'yong tingin ako'y nababaliw giliw
At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo
Binubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana
Para sa'yo"  nakatingin lang ako kay Joaquin habang kinakanta niya ang chorus ng kanta. Bakit ganun? Kinikilig ako. Nakakainis talaga si Joaquin, lagi na lang akong pinapakilig. Bwiset!

"Di ba parang isang sine
Isang pelikulang romantiko
Di ba't ikaw ang bidang artista
At ako ang 'yong leading man
Sa istoryang nagwawakas
Sa pag-ibig na wagas" pinagpatuloy niya ang pagkanta habang tumutugtog sila Nico, Ace , Luke at si Kuya.

"Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa 'yong tingin ako'y nababaliw giliw
At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo
Binubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana
Para sa 'yo"  kinilig ako ng magtama ang mga mata namin ni Joaquin. Grabe, feeling ko mukha nakong kamatis dito. Jusko ka Joaquin, papatayin  mo ko sa kilig.

"I love you, Phoebe." sigaw niya sabay nagflying-kiss pa. Jusko po inang, huu. Pinagpapawisan ako sa sobrang init, jusmiyo marimar pulgoso!!!

"Mahal din kita, Joaquin."

I Fell Inlove With My Best Friend (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon